CAPITULO 20.1

148 7 0
                                    

Handa na ba kayo sa finale?

Taong 1892

PAGSIKAT NG ARAW ay napatingin ako sa paligid. Kay ganda ng umaga kapayapaan ay dumarating. Pag-ibig na parang pagsikat ng araw. Damdaming tila umaapaw. Ito'y simoy ng hangin sa bukang liwayway. Pag-ibig na sadyang walang kapantay

Ito'y haplos sa dalampasigan ng mga alon. Kasing ganda ng paghuni ng ibon. Sadyang nakakabighani na parang bahaghari. Ito'y walang sinumang pinipili.

Napadungaw ako sa bintana mula sa simbahan. Pinagmamasdan ko kung paano maghanda ang mga rebelde sa himagsikan. Magiging saksi ako sa laban para sa bayan.

Hulyo 6, taong 1892 na ngayon, Kay bilis ng panahon. Ngunit sa bilis ng panahon hindi ko pa nakikita ang minamahal kong si Juanito. Labis Kong hinahanap ang kanyang presensya.

"Carmelita, narito na ang iyong mangga. Mukhang naglilihi ka nga" wika ni Josefina na ngayo'y may hawak na tatlong pirasong mangga na may alamang.

"Hinahanap ka pala ni Venchito, nag aalala siya sayo at sa bata" patuloy pa niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko. How dare that Venchito is. Curse on him.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kay Venchito ang batang dinadala ko!" Sigaw ko dahilan para magulat siya. "Kay Juanito ang bata, Josefina" pangangatwiran ko.

Kabuwanan ko ngayon. Siyam na buwan na akong nagdadalang tao at alam kong si Juanito ang ama ng bata. Kahit inaako ni Venchito dahil ginahasa niya ako noon, naniniwala akong kay Juanito ito.

Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Setyembre 24, 1891 nang mangyari ang kanarasang iyon. Sa ilalim ng puno ng mangga, dis oras ng gabi.

"Kumusta ang Carmelita ko?" Bungad ni Venchito. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Kumusta ang anak natin?" tanong niyang muli kaya kumulo ang dugo ko sa inis at galit.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naibato ko sakanya ang mga mangga. "Anak ko lang Venchito, inuulit ko hindi sa iyo ang bata!" Sigaw ko sa kanya.

Akmang sasampalin niya ako nang pigilan siya ni Josefina. "Venchito, irespeto mo ang kapatid ko. Buntis siya, Hindi pwedeng saktan mo siya. Maari na siyang manganak kahit anong oras. Ngunit kung gagawin mo iyan, baka malaglag ang bata" awat niya.

"Minsan ko pang marinig na hindi sa akin ang bata, mapapatay kita!" Galit niyang sabi sa akin tsaka lumabas ng silid. Padabog niyang isinara ang pinto.

"Huwag mo na kasing ipagpilitan na kay Juanito ang bata, Carmelita. Alam mo kung gaano kalakas si Venchito" sambit pa ni Josefina bago sumundo sa paglabas. "Sumunod ka na, hindi pwedeng kumain ka ng mangga ng hindi pa nag aagahan" tuloy niya mula sa pinto.

Kung bakit pa kasi ako pinauwi ni Juanito pagkatapos ng pangyayaring iyon. Ngayon ay kahit anino niya ay hindi ko pa nakikita. Hindi ko kakayaning buhayin ang bata sa impiyernong tulad nito.

Dumeretso na ako sa hapag at nadatnan ko nang kumakain sila Don Alejandro, Doña Soledad, Josefina, Doña Conchita, Isidra, Venchito at Padre Amado.

Masama ang tingin sa akin ni Venchito dahilan para mapatanong si Doña Conchita sa kanya. "Venchito, bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya nang makaupo ako.

"Pinagpipilitan pa ng babaeng yan na si Juanito Alfonso ang ama ng batang dinadala niya. Masakit para sa akin iyon mama" pagsusumbong niyang parang bata. Peste.

"Hija, dapat magalak ka pa nga dahil si Venchito ang ama ng bata. Siguradong mapapabuti kayo sa kanya. Masipag at matalino ang anak ko" Paliwanag ni Doña Conchita.

"Anak, imposibleng kay Juanito iyan. Siyam na buwan na ang nakakalipas, kung sakanya iyan hahanapin at hahanapin ka niya. Siguradong Venchito iyan lalo na't minsan na kayong nag siping noon pa man" Sagot ni Don Alejandro na aking ikinagalit.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now