CAPITULO 4

241 12 0
                                    

"Juanito" tanging wika ko nang makita siya. "Pasensya na binibini, Hindi ko naman gugustuhing masaktan ka kaya sinalo kita" sagot niya tsaka ako binaba.

Bolero pala to e.

"Yung libro ko ibalik mo na" tugon ko habang pinupunasan ang damit ko. Patuloy naman sa pagtahol yung aso niya kaya nag aalala ako baka may makakita samin.

"Sampaguita, huwag kang maingay, tignan mo tuloy nahulog ang akyat bahay." Natatawa niyang sabi

Hindi ako akyat bahay. Duh

"Ito bang talaarawan mo ang ibig mong sabihin?" Aniya tsaka inabot sakin yung lumang diary.

"Binasa mo ba to?" Tanong ko nang makuha ko ang diary. "Huwag kang mag alala, hindi ko ugaling magbasa ng talaarawan na pag-aari ng iba" sagot niya.

"Good" tipid kong sagot

"Good?" Pag uulit niya. Oo nga pala hindi sila nakakaintindi ng English.

"ibig kong sabihin, mabuti" sagot ko. "Yung nobelang libro ko? Nasaan?" Tanong ko ulit nang maalala kong hindi niya ibinalik yung libro kong I love you since 1892. Hindi niya pwedeng mabasa yon.

"Ang mga nobela ba ni Señor Rizal ang ibig mo? Pasensya na binibini pero ipinagbabawal na ng simbahan at gobyerno ang pagbabasa ng mga nobela niya"

Napamura nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Kahit may sense yung sinabi niya kailangan ko parin yung libro na yon baka mabasa niya malalagot ako.

"Wala ba talaga sayo yung libro na 'I love you since 1892?" Pag uulit kong tanong.

"Wala akong libro na ganoon binibini. Isa pa, ako marunong bumasa ng Ingles" sagot niya.

"Hayaan mo na. Pasensya na" paumanhin ko.

Konting katahimikan

"Juanito" tawag ko muli sakanya.

"Binibini?"

"Wala" sagot ko. Hindi ito ang tamang panahon para malaman niya. Hayaan ko munang lumipas ang mga oras at mabago ang tadhana.

"Sino iyan?" Pareho kaming nataranta dahil sa boses Ni Madam Olivia.

Dali dali akong umakyat ng bintana at tinulungan naman ako ni Juanito sa pag akyat.

"Si Juanito po Madam Olivia" sagot ni Juanito nang maiangat niya ako sa bintana.

"Hindi ba't pinauwi na kita Juanito?" Sagot ni Madam Olivia sa terrace. Kasalukuyan akong nasa sala ngayon nag hahanap ng tiyempo para umakyat sa kwarto ko.

"Hinahanap ko lang po si Sampaguita. Kaninang umaga pa po siya nawawala. Magbabakasakaling mahahanap ko siya dito sa hacienda niyo. Paumanhin po" sagot ni Juanito.

Nang maramdaman kong papasok na si Madam Olivia sa loob, dali dali akong umakyat at agad naman akong nakapasok sa aking silid.

"Baguhin mo na ang tadhana, Carmela" bungad sakin ni Lola Emily. "Bago ka maunahan"

KINABUKASAN nagising ako sa ingay sa sa ibaba dali dali akong lumabas kung ano ang nangyayari doon.

"Wala kang kwentang lalake, Eduardo!" Galit na galit si Don Alejandro doon sa lalakeng nakasuot ng isang unipormeng pansundalo.

"Sino siya Lola?" Tanong ko kay Lola Emily. Nagulat naman kaming lahat nang sampalin ni Don Alejandro yung Eduardo.

"Siya si Eduardo, ang lihim na kasintahan ni Maria" Nilingon ko ulit sila at nakitang umiiyak si Maria.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko at napatingin silang lahat sakin. "Huwag kang makealam Carmela" bulong naman sakin ni Lola Emily.

"Bumalik ka muna sa iyong silid Carmelita" awat sakin ni Josefina pero hindi ako nagpaawat. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now