CAPITULO 8

132 9 1
                                    

PASADO alas otso na ng gabi nang nagsimula akong mabagabag at mag-alala para sa plano ko. Nakita ko nang lumabas kanina si Mang Raul at sa tingin ko ay nagtungo na siya sa hacienda Alfonso. Sana ay maging matagumpay ito.

Natapos na rin kaming kumain ng hapunan kaya agad na akong nagtungo dito sa aming bakuran para salubungin si Mang Raul mamaya.

"Carmelita" Nagulat naman ako sa tinig ni Don Alejandro na nasa terrace. "Nag aalala na ako para kay Maria, nasaan na ba siya? Kahapon pa siya hindi umuuwi" kinabahan ako pero nanatili parin akong kalmado.

"Hindi ko rin po alam ama, hinihintay ko nga po siya magbabakasakaling uuwi siya ngayon" pagsisinungaling ko. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na rin maiwasang mag alala para kina Maria at Eduardo.

"O'siya magtutungo lang kami ng iyong ina at ni Josefina kay Kapitan Corpuz para magpatulong hanapin ang iyong ate" wika niya. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil maiiwan kaming dalawa ni Theresita. "Sasama po ako ama, gusto kong tumulong sa paghahanap kay ate Maria" palusot ko para kunwaring concern ako pero mabuti nalang at hindi pumayag si Don Alejandro.

"Mauuna na kami Carmelita, maiwan ka na upang may magbantay sa hacienda at kay Theresita" anang Josefina tsaka sila lumabas ng hacienda. Now it's time to shine.

Saglit pa silang nakalayo ay may nagsisitsit na sa akin. Pilit kong hanapin ang pinaggalingan ng tunong pero hindi ko mahanap dahil siguro sa dilim ng paligid.

"Binibining Carmelita" Bulong pa nito at maya maya'y napangtanto kong si Mang Raul ito. Nasa labas siya ng gate at problemado kung paano siya makakapasok dahil nilock nila Don Alejandro ang gate. Mukhang pagod na pagod na siya.

"Nakuha mo ba?" Tanong ko sakanya ng pabulong tsaka naman siya tumango bilang katumbas ng salitang oo. Napangiti naman ako ng bahagya. Successful! "Wala ako susi, idaan mo ito sa gate sa likod" Bulong ko.

"Anong gate binibini?" Aniya pa. Hay ano ba kasing tagalog ng gate? "A ano. Ang ibig kong sabihin may nakabukas pang daanan sa likuran. Doon mo nalang iyan idaan deretso sa bodega" wika ko.

Agad naman akong nagtungo sa likuran at inantay siya sa gate doon. Nakita kong nakasilip si Theresita sa ibaba Mula sa kanyang bintana. Siguro ay nagpapahangin lang ito.

"Theresita, matulog ka na. May pinuntahan sina Ama at ina pati si Josefina." Sigaw ko sakanya para marinig niya. "Binibini, Gabi na din. Ano pang ginagawa niyo riyan? Bilin ng iyong ina na batayan kita para hindi ka makalabas ng hacienda" Sagot niya.

"Matulog ka na, huwag kang mag alala hindi ako aalis ng hacienda. Isasara ko ang ang daanan dito para walang makapasok na magnanakaw" palusot ko. "Sige binibini, mag ingat ka" aniya tsaka tsaka isinara ang bintana niya.

Sinigurado ko munang walang makakakita sa amin bago ko binuksan ang gate at tumambad sakin ang duguang si Mang Raul. Bigla akong kinabahan nang malaman kong binaril pala siya nang may makakita sakanya.

I felt pity and guilty. Hindi ko alam ang gagawin ko. Anong gagawin namin kapag sakaling halughugin nila Ang buong hacienda lalo na't may palatandaan sila sa tama Ng bala ni Mang Raul sa hita.

"Hindi naman ito gaanong kalala binibini, daplis lamang ito." Aniya pero hirap na hirap na siya sa paglalakad. Ako na ang humila sa isang kabang bigas na kinuha niya papunta sa bodega na malapit lang sa pintuan dito sa likod.

"Halika rito Mang Raul" tawag ko sakanya para umupo sa upuan. Kumuha naman ako ng tela at dahon ng bayabas. Wala na akong ibang alam na herbal plant bukod rito kaya pasenya na.

"Humihingi po ako ng paumanhin Mang Raul, napahamak pa po kayo" I felt sorry for what I did. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko nalang siya inutusan.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt