CHAPTER 23- Breaking Down

819K 7.1K 3.6K
                                    

CHAPTER 23- Breaking Down

BRYAN's POV

Haaaaaaaaaaaay.. Nakatulog na si Shana habang umiiyak. Peste anung gagawin ko dito?

Kami lang dalawa dito at ngayon ko lang narealize na madilim. Madilim at nasa isang lugar kami dito sa school na walang katao tao O_______O

Hala! Anung gagawin ko?

Gisingin ko kaya sya?

Hindi.. Hindi tama yun. Buti nga nakatulog na sya eh atleast ngayon kahit papano hindi sya nasasaktan. Eh pero..

Waaaaaaaaaah! eh nakakatakot talaga dito! Isa pa sya rin naman ang may kasalan kung bakit takot ako sa dilim. Itong Shana na to, napakarami nyang kasalanan sakin, pero bakit ganito na lang ako sa kanya? Bakit hindi ko sya mapabayaan? haaaaay bwisit!

"School to Bryan. Walang baka dito. Walang lalabas na multong baka dito. Tama.. kaya mo yan.. matapang ka.. matapang ka.. walang magagawa sayo yung multong baka na yun. Kaya.. lu-lumabas ka mang multong baka ka, hindi ako natatakot sayo! ako ata si Bryan Clyde G--"

natigilan ako nung biglang may kumaluskos sa may damuhan..

tapos..

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Shana gumising ka na! Gumising ka! tayo ng umalis dito! parating na yung multong baka!" -inalog ko na si Shana

"G-Go! Huminahon ka nga! Haha.. anu bang multong bak--"

"Basta halika na!" -hinigit ko na lang sya palayo dun

Habang naglalakad kami..

"Go saan ba tayo pupunta?" -Shana

"Sa-sa parking lot..ihahatid na kita sa condo mo."

"Parking lot? eh hindi naman to yung daan papunta dun eh -_-" -Shana

"A-alam ko! anung akala mo sakin hindi alam yun?"

"Oh talaga? alam mo? kung alam mo talaga, sige nga, saan ang tamang daan? kakanan o kakaliwa?" -Shana

sa-saan nga ba? bakit kasi ang laki netong school na to...

"Ka-kanan! sigurado ako dun!" -sabay turo ko dun sa daan

"pfft.. ahahahahaha! Kanan pero kaliwa yung tinuro mo?! wahahaha! wahaha! the best ka talaga Go! ang saya mo kasama! napapatawa ako ng walang oras! sigurado ka pa dun huh? ahahaha!"

"Arrrrrrrrrg! tumigil ka na nga! Kanina lang iyak ka ng iyak ngayon naman ang saya saya mo!"

pagsabi ko nyan natigilan sya..tapos lumungkot na naman yung mukha nya..

"Sana nga, masaya na lang talaga ako." -sabi lang nya

haaaaaay! eto na naman sya.. mag iiyak na naman ata..

"Tsk! fine! Oo na! hindi ko na alam yung daan! Kaya ituro mo na sakin kung saan ang daan papuntang parking lot ok? ng maihatid na kita at makauwi narin ako sa bahay.. pagod na ako.."

"Uuwi na tayo? eh panu yung contest? diba gusto mong manal--"

"Wala na akong pakialam sa contest na yun since si Alice lang naman ang gusto kong matalo wag ka na ngang maraming tanong Shana, ituro mo na lang sakin yung parking lot!"

"Oo na.."

at ayun nga nakapunta narin kami sa parking lot..

pinaandar ko na yung kotse..

mukhang inaantok na talaga sya..

"Ah.. gu-gusto mo matulog? gigisingin na lang kita pag andun na tayo." -sabi ko sa kanya

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon