CHAPTER 41- Black Knight

742K 6.7K 2.3K
                                    

CHAPTER 41- Black Knight

NASH's POV

"Mom, saan tayo pupunta? Bakit tayo aalis ng hindi kasama sila dad at si kuya?" tanong ko kay mom habang pinapack nya sa maleta yung mga damit namin

"Magbabakasyon lang tayo saglit sa mga kamag anak ko Nash. Wag ka ng maraming tanong ok?"

"Pero mom! Bakit nga hindi natin kasama sila dad at si kuya? Bakit natin sila iiwan?"

"Nash, bata ka pa kaya hindi mo maiintindihan. Basta makinig ka na lang sa sasabihin ni mom huh? Tara na." hinawakan na ni mom ang braso ko at akmang hihigitin na ako pero pinigilan ko sya

"Ayokong umalis mom! Hindi ako aalis ng hindi kasama sila dad at kuya! Hintayin muna natin silang dumating bago tayo umalis mo--"

"Nash! Halika na sabi! Wag ka ng makulit." hinihigit na ni mom ang braso ko pero kumapit ako sa may paanan ng kama ko para hindi nya ako tuluyang mailabas ng kwarto

"Uwaaaaaaaah! Ayoko sabi mom! Ayoko! Hindi ko iiwan si dad at si kuya Shaun! Ayoko! Ayoko mom! uwaaaaah!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak ng sobrang lakas

"Wa-wag kang maingay Nash! Baka marinig tayo ng mga katulong. Please Nash, makinig ka na lang sa sinasabi ni mom. Please baby."

"Mom *sniff hindi mo na ba mahal si dad at si kuya? Bakit mo sila gustong iwan? *sniff"

"Nash, may mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag lalo na sa isang bata. Kahit sabihin ko sayo, hindi mo maiintindihan. Basta ito ang tatandaan mo Nash, lahat ng ginagawa ni mom, para sa ikabubuti mo. Mahal na mahal ka ni mom Nash. You trust mom right? Saglit lang naman tayo aalis, babalik rin tayo."

"Saglit lang talaga mom? Babalik rin tayo?" tanong ko habang humihikbi pa

"Oo baby."

"Promise yan huh?"

Hindi sumagot si mom, ngumiti lang sya sa akin habang pinupunasan yung luha ko. Hinawakan ko na yung kamay nya at naglakad na kami palabas ng kwarto

"Miss Naomi saan po kayo pupunta? Alam po ba ni sir Sean na aalis kayo?" tanong ng isang katulong pero inignore lang sya ni mom, hinigit lang nya ako ng tuloy tuloy

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit kami pinipigilan nung mga servants na umalis ng mansion? Hindi ba alam ni dad na aalis kami para magbakasyon sa kamag anak ni mom? Ayaw ba ni dad ng ganun? Bakit namin iiwan si dad, pati si kuya Shaun? Bakit hindi namin sila pwedeng isama?

Ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko habang hinihigit ako ni mom palabas, hanggang sa di ko na namalayan, nakasakay na pala kami ng kotse.

Habang nasa byahe kami, bigla kong naalala si Yan-Yan. Sabi ko sa kanya pupunta ako sa bahay nila mamaya para makipaglaro, hindi ko nasabi sa kanya na aalis muna kami ni mom. Magagalit si Yan-Yan sakin pag umalis ako ng ilang araw ng walang paalam. Ang lakas pa naman ng topak ng isang yun, grabe magtampo. Tsaka mamimiss ko sya, hindi ko alam kung gaano kami katagal magbabakasyon ni mom sa mga kamag anak nya, gusto kong makita si Yan-Yan bago kami umalis.

"Mom.."

"Anu yun Nash? Inaantok ka na ba? Gusto mong matulog?"

"Hindi mom, pwede bang dumaan muna tayo kila Yan-Yan? Gusto ko lang magpaalam sa kanya. Hindi ko kasi nasabi na aalis tayo."

"Nash hindi pwede eh. Wala na tayong oras, baka malate tayo sa airpor--"

"Hindi ako sasama sayo pag hindi mo ko pinayagan magpaalam kay Yan-yan! Si kuya Shaun alam ko maiintindihan niya kung di ako nakapag paalam sa kanya pero iba si Yan-Yan mom! Magagalit yun sakin! Sige na mom!"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon