CHAPTER 39- Chasing Cars

776K 6.9K 1.7K
                                    

CHAPTER 39- Chasing Cars

NASH's POV

"Erm.." I murmured half asleep habang minumulat ko ang mata ko

Yung sinag ng araw mula sa maliit na parte ng bintana na hindi natatakpan ng kurtina, tumatama sa mata ko kaya medyo nasisilaw ako.

Ang ganda ng umaga. Ang aliwalas sa pakiramdam. Airconditioned yung kwarto, medyo malamig lalo na at naka undergarments lang ako ngayon, pero kahit ganun, I still feel warm dahil sa mga braso ni Bryle na nakayakap sa akin habang nasa loob kami ng isang kumot.

Medyo naiilang ako ngayon kasi iniisip ko kung anung sasabihin ko kay Bryle pag nagising kami. I mean, pareho kasi kaming naka undergarments lang ngayon, tsaka yung nangyari kagabi, pag iniisip ko, medyo.. medyo namumula yung mukha ko.

Babangon na sana ako sa kama kasi ayokong makita ako ni Bryle in broad daylight na undergarments ko lang yung suot ko pero nung gumalaw ako para bumangon, hinigit ako pabalik ni Bryle.

"Matulog pa tayo Nami. Let's stay like this for a couple more minutes, please Nami." bulong nya, garalgal pa yung boses, sabay halik sa buhok ko tapos niyakap nya ako ng mas mahigpit pa

Ngumiti na lang ako imbis na sumagot at inenjoy na lang yung masarap na pakiramdam habang yakap yakap nya. Natulog na ulit kami.

.

.

Pag mulat ng mga mata ko, pag tingin ko sa tabi ko wala na si Bryle. I blushed at the thought of him waking up earlier than me. Kasi ibig sabihin nun, nakita nya ang hindi nya dapat makita in broad day light! Waaah! Bakit ba napasarap ako ng tulog? Nakakahiya tuloy. Hindi ko alam kung paano ko sya titingnan mamaya.

Bilis bilis akong bumangon habang nakabalot pa sa kumot para abutin yung damit kong nasa saheg. Pero bago ko pa maabot yun biglang pumasok si Bryle sa kwarto na may dala dalang tray kaya bigla akong napabalik sa kama at nagtaklob ng kumot. Nahihiya talaga ako sa kanya.

"Hoy Nami! Abnormal ka talaga! Bakit ka nagtataklob ng kumot dyan? Haha. Alisin mo nga yan!" -Bryle na tinatanggal yung kumot pero ayokong alisin

"Ayoko Bryle! Lumabas ka muna! Magbibihis muna ako! Nakakahiya naman eh!"

"Haha! Ayos lang yan Nami! Nakita ko na naman lahat kagab--"

"Bryle naman eh!"

"Haha.. Oo na, oo na. Lalabas na nga po. Kumuha ka na lang ng tshirt ko, yun na lang muna ang isuot mo, medyo madumi na yang damit mong nasa saheg eh."

"Ok. Lumabas ka na Bryle."

"Palabas na nga ako, saglit lang."

Maya maya narinig kong sumarado na yung pinto kaya tinanggal ko na yung kumot para magbihis. Pero pagtingin ko sa may pinto, andun pa pala ang walangyang si Bryle, nakangisi sya nung magtama ang mata namin.

"Bryle walangya ka talaga!" sigaw ko sabay paltok sa kanya ng unan

"Hahaha! Last look lang Nami! Aalis na nga! Hahaha!" tawang tawa na lumabas ang loko

Gago talaga yung isang yun. Ang pula pula tuloy ng mukha ko pag tingin ko sa salamin.

Sinuot ko na yung isang malaking blue tshirt na nakuha ko sa drawer ni Bryle. Mahaba yun sakin, parang bistida ko lang. Sinuot ko narin yung short na suot suot ko kagabi.

Pagkatapos kong magbihis lalabas na sana ako ng pinto pero nandun pala si Bryle at inaabangan ako.

"Dinalhan na kita ng almusal sa kwarto, sa kama na lang tayo kumaen." -Bryle

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon