CHAPTER 29.5- It's a Messy Chapter (Part 2)

674K 5.7K 952
                                    

 CHAPTER 29.5- It's a Messy Chapter (Part 2)

Kinabukasan..sa school.. specifically sa tambayan..

THIRD's POV

"Ahahahaha! Ang cute mo Bryle!" sabi ko kay Bryle habang nakaupo kami sa sofa sa tambayan

"TANG INA MO THIRD" sinulat nya sa mini whiteboard na dala dala nya

Nagtawa na lang kami ni Tommy pagka pakita nya samin nung whiteboard. Ahaha. 

Badmood na badmood sya ngayon. Paano, hindi nga nya kasi kami masigawan. Tapos kailangan nya pang magsulat para maintindihan namin sya. Haha. 

Pagod na pagod sya galing Tagaytay, tapos wala pa syang boses, mukha na tuloy syang demonyo sa sobrang itim ng aurang bumabalot sa kanya. Kaya medyo tinigilan na rin namin sya ni Tommy, delikado ang lagay eh haha.

Maya maya, pumasok sa tambayan si Steve.

"Oh best friend, bakit hindi ka pumasok kanina? Cutting?" sabi ko sa kanya pero dinaanan lang nya ako at umupo sa may bar stool sa may bar area ng tambayan

"Galit ka pa ba samin Steve? sorry na, napasobra kami nung isang araw." sabi ni Tommy nung nilapitan namin si Steve

"Oo nga sorry na best friend." sabi ko naman

"WAG KA NG MAARTE FOLKNER." sinulat naman ni Bryle sa whiteboard nya

"Anung trip ni Bryle?" -Steve

"Paos." sagot ko

"Ah.." yun lang ang sagot ni Steve at umiwas na ulit sya ng tingin sa amin

Aw. Mukhang napasobra na talaga kami ng pang aalaska sa kanya. Nakokonsensya tuloy ako. Pati si Tommy nakokonsensya na rin. Si Bryle lang ang mukhang hindi parin, nakuha pa ngang magbasa ng manga sa laptop eh.

Nag usap kami ni Tommy, tapos hinigit namin si Bryle palapit kay Steve.

Lumuhod kami sa may harap ni Steve tapos hinigit rin namin paluhod si Bryle. Nagpupumiglas sya nung una pero wala narin syang nagawa sa amin ni Tommy.

"Hoy anung ginagawa niyo?" -Steve

"Nagsosorry kami best friend. Patawarin mo na kami oh." sabi ko

"Oo nga Steve, sorry na." -Tommy

"TANG INA NYO THIRD PAKAWALAN NYO KO." -nakasulat sa whiteboard ni Bryle

"Talaga bang nagsosorry kayo? Baka mamaya nang ggood time na naman kayo huh." -Steve

"Hindi na, totoo na talaga to Steve." -Tommy

"Oo nga best friend, sincere na kami. Nakaluhod na nga kami oh."

"HINDI AKO NAGSOSORRY, SILA LANG." -sulat naman ni Bryle

Binatukan namin sya ni Tommy nung mabasa namin yun.

"Gusto niyo talagang mapatawad ko kayo?" -Steve

Tumango lang kami ni Tommy, si Bryle naman..

"HINDI SABI AKO NAGSOSORRY." yan naman ang sinulat nya sa whiteboard, pasaway talaga!

Kaya ayun, binatukan na naman namin sya ni Tommy.

"Sige, papatawarin ko kayo" -Steve

"Talaga best friend ok na tay--"

"Sa isang kondisyon." -Steve

"Huh?" sabay sabay pa kami nila Tommy, syempre si Bryle nakasulat lang sa whiteboard yan

"Kailangan niyong sundin lahat ng ipaguutos ko sa inyo buong araw." -Steve

Pagkasabi nun ni Steve nagkatinginan kami ni Tommy, tapos tumango na kami. Si Bryle patayo na sana at aalis na pero hinigit namin sya ni Tommy at pinwersang lumuhod. Buti na lang talaga paos sya, hindi nya kami masigawan haha.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon