CHAPTER 35- LAYARTEB

644K 5.8K 1.7K
                                    

CHAPTER 35- LAYARTEB

NASH's POV

"Aw, a-ang sakit ng ulo ko." I uttered habang bumabangon

Anu nga bang nangyari sakin?

Ah tama, may isang matandang tumigil sa tapat ko tapos may lumabas na mga lalaking naka suit tapos sapilitan nila akong pinasok sa kotse at may tinakip na panyo sa may ilong ko tapos nun hindi ko na alam ang nangyari.

Nakidnap ba ako? Kung nakidnap ako, bakit nandito ako sa isang kwartong ganito? Nakahiga ako sa isang kama sa loob ng isang kwarto na akala mo kwarto sa isang palasyo. Akala ko malaki na yung kwarto ni Bryle pero mas malaki ng di hamak tong kwartong ito. Tapos ang pinagtataka ko para bang naka punta na ako dito na parang hindi. Ewan, ang gulo. Basta pamilyar tong kwartong to sa akin, saan ko nga ba to nakita? Ah ewan! Hindi ito ang oras para isipin ko yan. Kailangan ko ng makaalis dito! Siguradong nag aalala na si Bryle, tsaka late na late na ako sa birthday ni Hell.

Kinapa ko yung cellphone kong nasa bulsa ko pero wala na ito dun. Lumakad ako papunta sa may pinto, pinihit ko yung doorknob pero naka lock ito. Sinilip ko yung ilalim nung pinto at may nakita akong dalawang pares ng sapatos dun, meaning may dalwang taong nakatayo sa harap nun.

"Palabasin niyo ko! Palabasin nyo ko dito anu ba!" sigaw ko habang pinupukpok yung pinto pero hindi sila sumasagot

"Palabasin niyo ko! Sino ba kayo? Bakit niyo ko dinala rito? Palabasin niyo ko!" pinagsisipa ko na yung pinto pero wala paring nagbubukas

Sinilip ko ulit yung ilalim ng pinto, this time sa tingin ko isang tao na lang ang nakatayo dun. Saan pumunta yung isa?

Nagtuloy parin ako sa pagsigaw at pagpukpok dun sa pinto hanggang sa.. sa wakas eh bumukas na rin yun. Tumambad sa harap ko yung matandang nagtanong ng pangalan ko kanina tapos may kasama syang tatlong lalaking naka suit na nasa likuran nya. Ang lalaki nila, nakakatakot.

"Si-sino kayo? Anung kailangan niyo sakin? Nasaan ako?" tanung ko habang umaatras

"Relax iha. Wala akong balak na saktan ka. So totoo palang wala kang matandaan?" sabi nung matanda

"Huh? Anu pong sinasabi niyo?"

"Itong kwartong to, hindi mo ba to natatandaan? Ako, hindi mo ba ako nakikilala?"

"Me-medyo familiar po itong kwartong to pero hindi ko alam kung saan ko to nakita. Kayo, hindi ko po kayo kilala. Kaya padaanin niyo na po ako at may pupuntahan pa ako." dadaanan ko na sya kaso biglang humarang yung tatlong mamang naka suit dun sa may pinto

"Itong kwartong to, kwarto mo to. At ako, ako ang lolo mo." natigilan ako pagkasabi nya nun, lolo ko sya? Ang mayamang matandang to, lolo ko?

"Lo-lolo?"

"Oo Nash, ako ang lolo mo."

"Pa-panong--"

"Anak ko si Naomi."

"A-ang babaeng yu--"

"Oo, alam kong galit ka sa kanya, pero sana wag kang magalit sa akin apo. Sana kahit galit ka sa kanya eh hayaan mo ang matandang ito na maging parte ng buhay mo apo." lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa balikat

Galit ako sa babaeng yun oo, pero sa matandang to hindi. Hindi naman tama na magalit rin ako sa kanya dahil sa kasalanan ng babaeng yun. So may lolo pa pala ako? Ewan ko ba pero ang saya ko. Yun kasing lolo ko sa side ni dad patay na. Sobrang gaan ng loob ko sa matatanda kaya naman..

"Natutuwa po akong makita kayo lo. Pasensya na po kung hindi ko kayo maalala. Hindi ko po malaman kung bakit pero may mga bagay nung kabataan ko na parang hindi ko maalala."

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon