CHAPTER 1- Two Years Later...

1.2M 13.7K 2.5K
                                    

CHAPTER 1- Two Years Later...

NASH's POV

"Oh eto na yung tanung huh Bryle. Anung bansa ang may pinakamalaking populasyon?"

"Hmmm... teka teka." si Bryle yan, nag-iisip ng sagot.

"Anu na? Ang tagal huh!"

"Pwede maghintay ng konti? Hindi pwedeng mag-isip Nami?" -sya.

"Pwede naman mag isip pero ang tanong... may isip ka ba?"

"Anung sabi mo Nami?!" Hahaha, ang dali talaga nitong mapikon.

"Joke lang, joke lang. Bilisan mo na kasi sumagot."

"Oo na eto na. Ahm... China?" Parang di pa siya sure sa sagot niya.

"Final answer?"

"Final answer!"

"And your answer is... CORRECT!"

"Yes! Yes! Tumama rin! Wooooh!" Grabe to, para talagang bata, nagtatatalon na dun eh.

Pagkatapos niya magtatalon, tumigil sya saglit. Lumapit siya sakin tapos, "Oh asan na ang kiss ko?" tanong niya.

Napalunok ako ng laway. Nawala sa isip  ko yung deal namin. Kaya pala ganito kasaya tong isang to. Ganito kasi yun eh, nagrereview kami ni Bryle kasi nga malapit na ang midterm exams namin, January na tapos third year college na kami! Almost 2 years narin simula ng maging kami ni Bryle! Anniversary na namin bukas! So eto, as usual tamad na naman sya magreview kaya nag isip pa ko ng paraan para mapag review sya. At nauwi nga to sa ganitong deal: Pag nakatama sya ng 1 ikikiss ko sya sa noo. Pag nakatama sya ng 2 consecutives, ikikiss ko sya sa cheeks at pag nakatama sya ng 3 consecutives, ikikiss ko sya sa lips. Pero kada mali niya, pitik ang abot niya bwahaha. Kaya nga ang pula na ng ilong nun eh ang dami kasing mali haha.

Pero ngayon, naka two consecutive na tama na sya meaning kailangan ko siyang ikiss sa cheeks. At take note, nasa library kami O____O! Buti na lang nasa medyo dulong part kami.

"Oh anu na? Ang tagal." Hinahaya na sakin ni Bryle yung pisngi niya.

"Pwede maghintay Bryle? Parang mauubusan ng halik?"

"Tch bilisan mo na lang. Bagal bagal."

"Hmp eto na nga." Ikikiss ko na sana sya nang...

_______________________________________________

BRYLE's POV

Kung ganito ba lage ang pagrereview, lage na lang sanang may exam! Bwahaha! Sisipagin pa ko mag aral nito! Bakit nga ba ngayon lang naisip ni Nami to? Tsk tsk.

Slow parin talaga tong babaeng to. 2 years na kami, ni hindi man lang nagbago. Hahalik lang ang slow pa =__=. Kung hindi ko lang to mahal nako...

"Nami anu na?"

"Eto na... Eto na..."

*kiss

Yes! Yun yun eh!

"Buti naman at-- waaaah! Anung ginagawa mo dito Steve?" Pagharap ko, si Steve ang nakita ko imbis na si Nami.

"Hi Fafa Bryle! Masarap ba kiss ko? Wahahaha!" -Steve.

Hinawakan ko yung pisngi kong nahalikan niya... so hindi si Nami yun?

"Nami!" sigaw ko. Lumabas sya sa likod ni Steve, naka ngisi.

"Sabi ni Steve ililibre niya daw ako ng cake pag hinayaan ko syang ikiss ka hahaha." -Nami.

"Steve! Patay ka sakin!"  Hinabol ko si Steve at isang malaking kutos ang inabot niya sa akin tapos hindi pa ko natapos dun... Akala niya huh?

Sa library... bumalik kami sa lugar kung saan kami nagrereview ni Nami.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon