BONUS SPECIAL CHAPTER #2: Making Love

676K 7.8K 2.3K
                                    

BONUS SPECIAL CHAPTER #2: Making Love

(Note: Ang timeline po nito ay pagkatapos ng kasal nila Nami, pagkatapos ng reception ^_^v)

NASH's POV

"Nami... Nami gising. Nami!" May nagsasalita habang inaalog ako kaya nagising ako mula sa mahimbing na pagtulog.

"Bryle? Hala, natulugan kita?"

"Hindi, hindi mo ko tinulugan. Kaya nga babago kang gising ngayon eh. -__-"  Nakasimangot na na naman sya habang naka cross arms pa.

"Sorry na."

"Tss, okay lang. Alam ko namang pagod ka, pagod rin ako eh kaya hinayaan na lang kitang matulog kanina. Pero ngayon bumangon ka na at magbihis kasi aalis tayo."

"Huh? Saan tayo pupunta?" Pagkatanong ko nyan, bigla syang ngumiti tapos lumapit sa akin at bumulong sa tenga ko.

"Sa langit. Sa langit Nami." bulong nya in a voice na ang seductive ng dating. Nagtaasan yung mga balahibo ko.

"Bryle naman eh!" Napabangon tuloy talaga ako sa kama.

"Haha, basta bilisan mo na Nami." Lumayo na sa akin ang loko at may nilapitang mga bag ata yun, tawang tawa pa sya kasi naasar na naman nya ako. Ako naman sinunod ko na sya at nagbihis na nga ako dahil baka kung ano na namang kalokohan ang gawin nya sa akin pag hindi pa ako sumunod.

.

.

Pagkatapos kong magpalit, paglabas ko ng c.r. nadatnan ko si Bryle na nakaupo sa kama na may dalawang malaking bag sa may paanan nya. Nakaupo sya na naka cross arms pero nakatungo at pauga-uga kasi tulog. Nakatulog na sya ng naka upo, ang cute na ang tanga haha.

Nilapitan ko sya at pinagmasdan muna bago gisingin. Saan kaya nya balak pumunta? Nung tingnan ko ang relos ko pasado ala una na ng madaling araw. Bukas pa yung plano naming pagpunta sa Baguio para sa honeymoon namin ah?

"You're not planning to rape me are you?" sabi niya nung bigla syang mumulat at nakita akong pinagmamasdan sya.

"Wow english."

"Gago!" sabi niya sabay pitik sa noo ko.

"Tara na." sabi pa nya, bigla nyang hinawakan yung kamay ko at tumayo na dala-dala yung dalawang malaking bag.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang higit-higit nya ako. Hindi sya sumasagot.

"Madaling araw palang saan mo ba talaga ako dadalhin? Hindi ba tayo magpapaalam kila Steve at kila Lolo Bernard?" tanong ko pero hindi niya ulit ako sinagot. Sabi lang nya manahimik ako tapos kinaladkad na nya ako palabas ng resort. Nasa isang resort hotel kasi kami, dito ginanap yung reception nung kasal, may overnight swimming kasi kami after dun sa kainan sa reception.

.

.

Pagkatapos akong kaladkarin ni Bryle, we end up riding a bus. Sa totoo lang badtrip ako sa kanya dahil sa di nya pagsagot sa mga tanong ko, idagdag pang ginising nya ako mula sa masarap kong tulog.

"Bryle ano ba kasi tong trip mo? Bakit ba tayo sumakay ng bus?" irita kong tanong, pero ang loko ngumiti lang sakin tapos inakbayan ako.

"Hindi pa ba obvious kung anong tawag dito?" sabi ng loko habang may malaking ngiti.

"Huh? Ano ba kasi yun Bryle?"

"Ugh! Ang bobo mo talaga! Tanan! Tanan ang tawag dito Nami!"

"Ta-tanan?"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon