CHAPTER 43- M E M O R I E S . . .

716K 6.6K 1.9K
                                    

CHAPTER 43- M E M O R I E S . . .

NASH's POV

Sobrang hirap kumaen knowing na nasa harap ko lang si Bryle ngayon. Nakatungo lang ako at pinipilit lang na sa pagkaen lang tumingin. Ayokong pagmasdan ang mukha nya dahil natatakot akong baka maluha na lang ako all of a sudden, eh di baka mabisto na nagpapanggap lang ako. Sira yung 3 month rule contract ko kay Bryan Go pag nangyari yun.

Nanginginig pa ang kamay ko habang sumusubo, kinakabahan talaga ako. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit nanginginig ka ate Shana?" biglang nagsalita si Marian kaya napatingin ako sa kanya

"H-huh? Ah eh, pasmado lang yung kamay ko. Hehe." sagot ko tapos tumungo na ulit ako at tumingin sa pagkaen, gusto ko ng matapos kumaen para maka alis na ako dito

Sumusubo lang ako ng pagkaen ng..

"Mine, tikman mo tong afritada! Favorite to ni kuya." -Marian

"*Cough *cough *cough" -ako yan, nasamid ako pagkarinig ko na tinawag ni Marian si Bryle ng "Mine"

Tae ang corny nun, ayaw ni Bryle nun.

"Shana ok ka lang ba? tubig oh." -Bryan Go, inabutan nya ako ng tubig, ininom ko naman yun 

Nung maging ok na ako, nagsimula na ulit akong kumaen.

"Sige patikim nga ako nyang afritada Mine." -Bryle

Pagkarinig ko nyan talagang nasamid na naman ako. Sakto kasing umiinom pa ko nun ng tubig, medyo napabuga pa ko ng konti tapos nasamid na.

"*Cough *cough *cough *cough *cough *cough *cough" naluluha na ako habang umuubo dahil sa sobrang pagkakasamid

Sobrang di ko lang talaga inexpect na masasabi ni Bryle yung "Mine" kay Marian. I mean sakin nga di nya yun masabi, wala nga kaming sweet endearment eh. Tapos kung makatawagan sila ng "Mine" ngayon? Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.

"Gosh ate Shana, what's happening to you? Bakit kanina ka pa nasasamid dyan?" -Marian

Hindi ako makasagot kasi medyo inuubo pa ko ng konti.

"Oi Shana ok ka lang ba? Ok ka lang?" -Go na inakbayan ako tapos hinahaplos haplos yung likod ko, galing din umacting na concern ng isang to

"O-ok na ako Yan-Yan." sabi ko

"Ok ka lang tala--p*ta anu bang problema mo Stanford?! " -Go, natigil sya ng paghaplos sa likod ko ng biglang tamaan yung braso nya ng tinidor na I think binato ni Bryle sa kanya

"Sorry, pasmado din ata yung kamay ko, nabitawan ko tuloy yung tinidor." pang asar na sagot naman ni Bryle, medyo napatawa kaming lahat ng nandun sa dining table except syempre kay Go

"Pasmado? Ang galing naman ng pagka pasma ng kamay mo! Gago! Binato mo yun talaga sakin! Aminin mo na!" sigaw ni Bryan Go na dinuduro si Bryle

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Go. Kumaen na lang tayo. Masamang nag aaway sa harap ng pagkaen." -Bryle looking calmly at Go

"Eh ikaw tong nagsimula e--"

"Kuya!" sigaw ni Marian kaya napa upo na si Go pero nung umupo sya halata mong nagmamaktol sya, ang sama ng aura nya

Ilang segundo ng katahimikan ang dumaan, naging peaceful saglit pero..

"Tangna! Nananadya ka ba huh Go?" si Bryle naman ngayon ang napasigaw kasi bigla syang tinamaan ng isang kutsara na may afritada

"Huh? Hindi ah. Sorry, katulad mo Stanford, pasmado rin kasi ang kamay ko eh. Sorry kung tinamaan yang suit mo huh?" -Bryan Go, pang asar din talaga to

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon