CHAPTER 30- It's just a NORMAL DATE--or NOT.

687K 6.1K 1.4K
                                    

CHAPTER 30- It's just a NORMAL DATE--or NOT.

NASH's POV

Humihikbi parin ako habang naka upo sa isang bench sa isang park malapit dun sa hotel. Dito ako dinala nung mga paa ko nung nagtatakbo ako palabas ng restaurant kung saan ako dinala ng babaeng yun. Hindi ko naman kasi malaman sakin kung bakit sumama pa ako sa kanya, bakit kasi nakipag usap pa ako sa kanya? Sana hindi ko na lang sya kinausap, hindi sana ako umiiyak ng ganito ngayon.

"Ate oh panyo." napatunhay ako nung may magsalita at nakita ko ang isang batang babae sa harapan ko

"Na-nako salamat." sabi ko sa kanya pagkakuha ko nung panyo

"Wag po ako ang pasalamatan niyo, pinabibigay lang po yan sakin ni kuyang gwapo ayun sy--teka, nako umalis na po ata eh. Pero ate kanina ka pa nya pinagmamasdan."

"Talaga?"

"Opo."

Sino kaya yun, hindi kaya si Bryle? Pero bakit hindi nya ako nilapitan? Ay oo nga pala! May date kami ni Bryle! Nawala sa isip ko! Galit siguro sya kaya di nya ako nilapitan!

"Bata, medyo mukhang masungit ba yung lalaking nagpabigay nitong panyo?"

"Ahm hindi naman po, ok lang, gwapo po sya, matangkad, pero parang medyo weird po."

"Huh? Bakit?"

"May hawak po syang compass ata yun. Treasure hunter kaya sya?" pagkasabi nun nung bata, mukhang alam ko na kung sino ang nagpabigay nitong panyo

"Mukhang alam ko na kung sino. Hehe. Salamat parin dito huh? Mauna na ako sayo bata."

"Sige po ate!" at naglakad na ako palayo

"Salamat Bryan." naibulong ko na lang habang pinupunas ko yung panyo sya mga luha ko, pagkatapos kong mag punas nagtatakbo na ako, baka maabutan ko pa si Bryle. Lowbat ang cellphone ko kaya hindi ko sya matawagan.

Pero habang tumatakbo ako..

"Aray. Aray ang sakit!" daing ko habang hinihimas yung binti ko, kasi natalapid ako, naka heels pa naman ako, ang sakit tuloy

Naka heels ako ngayon kasi required sa ojt na ganun ang suot, sa food and beverage department kasi ako naka assign ngayong week.

"Kahit kailan talaga tatanga tanga ka." napatunhay ako ng marinig ko yan, boses palang alam ko na kung sino

"Bryle.."

"Yan lang ang sasabihin mo?"

"Bryle I'm sorry. Hindi ko kasi inaasahan na--"

"Hobby mo na ba talaga ang pagmukhain akong tanga huh Nami?! Alam mo ba kung ilang oras akong naghintay sayo? Halos amagin na ako dun! Masarap ba talaga akong pagmukhaing tanga kaya nagiging gawain mo ng hindi ako siputin?!" sigaw nya sobrang lakas, naiiyak na tuloy ako

"Bryle hayaan mo kong magpaliwa--"

"Yan ang gusto kong sabihin sayo kanina habang naghihintay ako ng matagal sa condo. Pero nung makita kita ngayon, ng makita ko yang namumugto mong mata, ito na lang ang gusto kong sabihin sayo.." lumakad sya palapit sa akin, ang amo na ulit ng boses nya

"Malungkot ka diba? Halika dito, yayakapin kita." sabi nya, na talagang ikinagulat ko

Inihaya nya sakin ang kamay nya para alalayan akong tumayo. So hindi sya galit sakin? Naiintindihan nya ako kahit hindi pa ako nagpapaliwanag?

"Hoy Nami, nakatulala ka na dyan? Tayo na!" sabi nya kaya ayun humawak na ako sa kamay nya tapos hinigit nya ako palapit sa kanya dahilan para mapayakap ako sa kanya

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon