BONUS SPECIAL CHAPTER #3: Officially A Dad

601K 8.8K 5.8K
                                    

BONUS SPECIAL CHAPTER #3: Officially A Dad

(Note: Ang time line po nito is two years after ng honeymoon nila Bryle and Nami. Yes, hindi agad nabuntis si Nami after nung honeymoon nila. After 2 years pa bago sila nakabuo ni Bryle. Weak ang sperm cells ni Bryle! Dejoke! Hahaha xD)

THIRD's POV

LOCATION: STANFORD's MANSION. SPECIFICALLY SA KWARTO DATI NI BRYLE BAGO SILA IKASAL NI NASH. 

"Bryle hindi lang ikaw ang may asawa, may asawa na rin ako. Ilang gabi ka ng ganito ah." Reklamo ko habang kinukusot-kusot ang mata ko. Naka sando at pajama lang ako. Tulog na kasi ako katabi si Wifey ng mapatalon ako paalis ng kama dahil nung yayakapin ko si Wifey, imbis na si Wifey, si Bryle ang katabi ko! Ilang gabi na s'yang pumapasok sa kwarto namin ni Wifey ng walang paalam! Tapos, sapilitan n'ya akong isasakay sa kotse nya papunta dito sa mansion nila. Hay buhay.

"Fafa Bryle naman eh, andun na kami ni Witch eh! Isang butones na lang eh! Panira ka naman lage oh! Alam mo ba kung gaano kahirap bago ko makuha ang mood nun para gawin namin yung alam mo na? Fafa Bryle naman eh!" -Steve na nakasuot lang din ng sando at pajama katulad ko. Sapilitan rin s'yang dinala ni Bryle dito sa mansion nila.

"Ikaw Tommy, wala kang sasabihin?" -Bryle na poker face lang na nakapamulsa sa harap naming tatlo. Naka pajama at sando lang din s'ya.

"Ah... no comment." -Tommy. (Naka pajama at sando lang din.)

Lahat kami naka pajama at sando sa loob ng kwarto ni Bryle, mukha tuloy kaming magpapajama party nito, naknang teteng.

"Okay, since tapos ko ng pakinggan ang mga walang kwenta n'yong reklamo, ako naman ang magsasalita. Dinala ko kayo dito ngayon, kasi hanggang ngayon, ang pesteng si Nami, ayaw parin akong patabihin sa kanya! Masaya kayong natutulog kasama ang mga babae niyo samantalang ako nagtitiis matulog mag isa sa kama katabi lang ang mga pesteng unan? Hindi pwede yun! Kaya dapat lang na tulungan nyo ko kung gusto nyong patahimikin ko ang mga buhay nyo! Ilang gabi ko ring pinag-isipan to... pero mukhang kailangan ko na ngang gawin ang planong yun..."

Lumunok muna si Bryle at pinag pawisan ng isang butil bago s'ya muli nakapagsalita, "Gagawin ko na yung plan M." seryoso n'yang sabi.

"Seryoso?!" nanlalaki ang mata namin ni Steve nang isigaw naming sabay yan.

Ginulo ni Bryle ang buhok nya bago sumagot, "Tangna oo nga!" sabi n'ya.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Tommy sabay ngiti ng ngiting kami lang ang nagkakaintindihan.

Mukhang sulit naman pala ang isang gabing wala sa tabi ni Wifey. Haha, masaya to.

Ano yung plan M na sinasabi ni Bryle? Ganito kasi yun. Tatlong buwan ng buntis si Nash, at for some reason, ayaw na ayaw niyang makita ang mukha ni Bryle. Bwisit na bwisit sya pag nakikita ang mukha nito, umabot na sa puntong ayaw na niya ito makatabi sa kama, kaya lage nyang kinikick out palabas ng kwarto si Bryle. Syempre sobrang problemado si Bryle dahil dun, at dinamay n'ya kami sa problema n'ya as usual. Gabi-gabi n'ya kaming dinadala dito sa kwarto niya para magmeeting at gumawa ng kung anong solusyon para patabihin na s'ya ni Nash sa kama nila.

Ang dami na naming planong ginawa, tulad ng plan A, ang plan ABS! Pinag gym namin si Bryle para magka abs na ulit sya, dahil mahilig si Nash sa abs. Naghubad na si Bryle at lahat sa harap ni Nash showing his abs, pero wala, hindi tumalab! Kamakailan lang, tinry narin namin yung PLAN C, isa parin sa pinaka ayaw na plano ni Bryle pero ginawa nya parin. Ang plan cosplay, nag cosplay lang naman sya bilang si Roronoa Zoro ng One Piece dahil crush yun ni Nash, pero hindi rin tumalab! Ang dami na naming ginawang plano, pero wala paring tumatalab kay Nash hanggang ngayon. As you can see, nasa Plan M na kami, at yun na ang huling plano sa listahan namin. Ang planong yun ang pinaka-pinaka-pinaka-pinaka ayaw ni Bryle sa lahat. Pero pinakagusto namin nila Tommy dahil laughtrip yun bwahaha!

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon