*VenTo CHAPTER: The Mysterious Case of Tommy Michael Lopez

754K 6.1K 1.6K
                                    

*VenTo CHAPTER: The Mysterious Case of Tommy Michael Lopez

NASH's POV

Uwian na namin ngayon, tapos na ang klase namin ngayong araw. Papunta kami ni Katie sa tambayan kasi dun naghihintay si Bryle tsaka si Third, mas una kasi yung tapos ng class nila kaysa sa amin.

Habang naglalakad kami ni Katie..

"Katie kinakabahan ako, baka mag away na naman kami ni Bryle pag sinabi ko sa kanyang dun tayo mag oojt sa hotel nila Bryan Go!"

"Nash anu ka ba?! Mas lalo kayong mag aaway kung itatago mo kay Bryle yan! Malalaman at malalaman din nya yan kaya hangga't maaga pa sabihin mo na sa kanya."

"Tsk, sige na nga." pagkasabi ko nun walang kabuhay buhay ko ng binuksan yung pinto ng tambayan

Pagkabukas ko, kabado ako kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Bryle yung tungkol sa pag oojt ko sa Hotel nila Go at yung fact na sa 2nd sem sa Tagaytay kami magsistay ni Katie kasi dun nga yung location ng Hotel. Pero nawala yung kaba ko at napalitan ng pagkabigla dahil sa itsura ng mga tao sa loob nung tambayan.

Aba naman kasi, ang magulong tropa nila Bryle, ngayon puro nakatulala. Oo, nakatulala silang tatlo, si Bryle, si Third at si Steve, wala si Tommy. Hindi ko alam kung bakit nakatulala lang sila sa kawalan. Tapos si Steve naka suot ng pang parang pang pok pok na damit eh, tapos may pasa pa sya sa mukha. Ang weird talaga ng itsura nila kaya naman syempre nilapitan namin sila ni Katie.

"Hoy anung problema niyong tatlo huh? Bakit ganyan mga itsura nyo?" -Katie

"Oo nga, anu bang nangyari sa inyo? Nagbugbugan ba kayo?" dagdag ko pa

"Si.. Si Tommy.." -Steve

"Ang mabait na si Tommy, ang gentleman na si Tommy.." -Third

"Anung meron kay Tommy?!" -Katie

"Sa tingin namin nasapian ng masamang espirito si Tommy!" -Steve

"Anu bang sinasabi mo dyan huh Steve?" -Katie

"Wifey, tama si Steve, kanina, kanina nung nandito si Tommy, kung makikita mo sya, para talagang syang may sapi! Nakakatakot! Para syang naging si Bryle ng wala sa oras." -Third

"Ah so nakakatakot ako?! Sabi ko na kasi sa inyo, hindi sya nasapian! Nagdadrugs si Tommy kaya sya ganun! Hindi ko lang matanggap na nagdadrugs sya kaya natulala ako." -Bryle

"Anu bang pinagsasasabi niyong tatlo huh? Hoy Bryle sumagot ka! Anu ba kasi talagang nangyari?" tanung ko

"Tinatamad akong magkwento eh, Third ikwento mo nga." -Bryle

"Tinatamad din ako eh, Steve ikwento mo nga." - Third

"Eh tinatamad din ako, ikaw na lang Bryle!" -Steve

"Inuutusan mo ko Steve? Inuutusan mo talaga ako?" -Bryle na sinasamaan ng tingin si Steve

"Oo nga Steve, inuutusan mo na ngayon si Bryle? Bryle oh inuutusan ka." -Third, talaga tong si Bryle at si Third lage na lang kinakawawa si Steve

"Hi-hindi naman sa ganun, nag sasuggest lang hehe. Sabi ko nga magkikwento na ako eh." -Steve

Hindi ko maintindihan kung bakit naman tong si Steve pumapayag lang ng inaapi sya nung dalawa haynako, natatawa ako na ewan eh.

At ayun nga, nagsimula ng magkwento sa amin si Steve.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

STEVE's POV

*FLASHBACK

"Sayaw na Steve! Sayaw na Steve! Sayaw!" sigaw ni Third habang may hawak na video recorder

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon