CHAPTER 50.5- And this LOVE hurts.. (PART 2)

695K 7.5K 3.5K
                                    

Bago nyo to basahin mas ok kung papanoorin nyo yung Teaser Video ko. Kung napanood nyo na, well good for you. Kung ayaw nyo naman panoorin, bahala kayo hehe. Suggestion lang.

CHAPTER 50- And this LOVE hurts.. (PART 2)

BRYAN GO's POV

DATE: DECEMBER 27

*Boogsh!

Habang natutulog ako, nagulantang ako dahil biglang lumagabag yung pinto ng kwarto ko, may sumipa dun. At parang alam ko na kung sino -__- Inignore ko na lang sya at itinuloy na lang ulit ang pagtulog ko. Pero...

"Yan-Yan! Gumising ka na! Gumising ka na bilis!" sigaw nya na ngayon ay nagtatatalon na sa kama ko para yugyugin ako.

"Anu ba Shana?! Nakakahilo! Ang aga pa, matutulog pa ako! Tumigil ka nga sa pagtalon!" sigaw ko habang nakapikit parin. Inaantok pa talaga ako.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabangon dyan! Gumising ka na Yan-Yan! Maglaro tayo ng video games!" sigaw nya habang nagtatatalon parin, bwisit nakakahilo!

"Ang aga aga video games agad? Kung gusto mo, ikaw na lang mag isa ang maglaro, patahimikin mo ang buhay ko Shana!" sigaw ko tapos nagtaklob na ako ng kumot.

Asar talaga tong babaeng to, hindi na nagbago eh. Kahit nung mga bata pa kami ganyan na sya, bigla bigla na lang papasok sa kwarto ko, mambubulabog ng masarap na tulog ko para lang pwersahin akong makipag laro ng video games sa kanya. Hindi ko alam kung dapat bang matuwa ako dahil balik na kami sa dati o anu eh, parang sana hindi na lang eh, ang kulit nya kasi -_-

"Ayaw mong bumangon huh? Tingnan natin." narinig kong sabi nya tapos naramdaman kong bumaba sya sa kama tapos narinig ko yung sound ng pag bukas ng blinds ng bintana ng kwarto ko tapos..

"Akin na to! At ito! At ito! At ito!" sigaw nya sabay kinuha yung kumot na pinangtatalukbong ko tapos pinagkukuha rin lahat ng unan sa kama ko! Asar! Ayan yung lage nyang ginagawa sakin pag ayaw ko talagang bumangon eh!

"Bwisit naman Shana! Saraduhan mo yung blinds, nakakasilaw! Isarado mo!" sigaw ko habang tinatakluban yung mukha ko mula sa nakakasilaw na sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko.

"Hindi ko to isasarado! Mabuti sa katawan yang sikat ng araw sa umaga, Vitamin D yan Yan-Yan. Kaya halika na at maglaro na tayo ng video games!" sigaw nya sabay hawak sa kamay ko at kinaladkad na ako papunta dun sa parte ng kwarto ko kung saan nandun yung flatscreen t.v. at game consoles ko -_-

"Iset up mo na yung XBOX Yan-Yan huh? Kukuha lang ako ng makakaen natin habang naglalaro tayo! Katulad ng dati, kung sinong talo sa bawat round susulatan ng kung anung doodle sa mukha ok? Kukuhanin ko narin yung pentelpen wee!" Bakit ang energetic ng isang 'to? -_-

"Shana maglaro ka na lang mag isa, gusto ko pang matulo---"

"Pag bumalik ka sa kama mo ngayon, ipagkakalat ko sa lahat ng tao dito sa bahay na may kissing phobia ka at wala ka pang nahahalikang babae sa tanang buhay mo! Gusto mo ba yun?" blackmailer, magkapatid talaga sila ni Shaun -_-

"Sabi ko nga iseset up ko na yung XBOX eh. Bilisan mo kumuha ng pagkaen. Tss." wala na lang akong nagawa kung hindi sumunod sa gusto nya. Lage namang ganito ang nangyayari eh. Lage akong walang magawa sa kanya. Ang galing mang blackmail ng babaeng yan kahit nung mga bata pa kami tsk.

.

.

"Ugh bwisit talo na naman ako! Nandadaya ka ata eh!" sigaw ko sa kanya kasi K.O. ako ng K.O. sa Tekken bwisit! Puro sulat na tuloy ng pentelpen yung mukha ko, umagang umaga.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon