CHAPTER 46.5- Battle of the Black Knights (part 2)

724K 7.6K 3.6K
                                    

Dedicated sayo. I appreciate the comments and your drawings. Thank you very much! Hindi ko pwedeng ibigay sayo si Bryle kaya dedic na lang hehe. ~yam

CHAPTER 46.5- Battle of the Black Knights (part 2)

THIRD's POV

"Palakas ng paypay." -Bryle habang naka upo sa isang upuan, nilakas ko naman ang pagpapaypay sa kanya

"Tubig, nauuhaw ako." -Bryle parin, inabutan naman sya agad ni Steve ng  tubig

"Walang lasa, ayoko nito." -Bryle sabay balik kay Steve nung tubig

"Malamang walang lasa kaya nga tubig eh." bulong ni Steve

"May sinasabi ka Steve?" -Bryle

"Huh? wa-wala. Sabi ko, anung gusto mong bilhin ko Bryle?" -Steve

"Juice." -Bryle

"Ok sige." -Steve, nagtatakbo na sya paalis

"Punasan mo yung pawis ko." -Bryle parin syempre, pinunasan naman sya ni Tommy ng pawis

"Pabukas nung chips tapos subuan mo ko." -Bryle talking to Tommy

"Bryle naman, bromance yun pare, ang panget." -Tommy

"Tinatamad akong igalaw yung kamay ko eh. Subuan mo na ako, bilis!" sigaw ni Bryle kaya ayun wala ng nagawa si Tommy

Kanina nagrereklamo ako sa isip ko kung bakit ako pa ang naging tagapaypay, ngayon nagpapasalamat ako at tagapaypay na lang ako.

.

.

Nagtataka siguro kayo kung bakit pumapayag lang kaming mag paalila kay Bryle.. Eh kasalanan din naman kasi namin to, pinikon namin sya masyado. Pano kanina sa tambayan, pinag aasar namin sya dahil nga sa pagsali nya sa Mr. and Ms. Stanford University kaya ayan, eto ang napala naming tatlo nila Tommy, naknang teteng.

Nasa practice na nga pala kami ni Bryle ngayon, nagpapractice na yung mga candidates para sa paglakad at pati sa choreagraphy at blockings. Vacant dapat namin ngayon kaso ayan nga, ginawa kaming mga dakilang P.A. ni Bryle, nakanang.

.

.

"Bryan naman eh, may upuan naman eh bakit ako pa ang inuupuan mo?" -Skyler ata ang pangalan nung lalaking yun,  yung idol ni Steve na barkada ni GO

Inuupuan ni Bryan ang nakadapa sa sahig na si Skyler.

"Sino bang basta na lang nagpasa ng application ko para dito ng wala man lang paalam mula sakin huh? Diba ikaw? Kung tutuusin kulang pa to eh." -GO, pareho talaga sila ni Bryle no? -__-

"Eh Bryan naman, gusto ka lang kasi naming makitang sumali ng ganyang contest para masaya. " -Skyler

"Para masaya? Ipapakita ko sayo kung anung masaya para sa akin. Tyler, upuan mo rin si Skyler." sabi naman ni Bryan dun sa kakambal ni Skyler

Kumpleto lahat nung kabarkada ni Go dito, pero yung kambal lang ata ang ginawang P.A. ni Go. Yun kasing Cloud, ayun as usual nag pi-psp lang sa isang tabi, tapos yung isa naman Sho ba yun, ayun lageng tulog na may yakap na chichirya, bihira kong makitang gising yun sa totoo lang.

"Pero Bryan kawawa na si bro ko pag umupo pa ako, wag mo na syang pahirapan. Pwede bang mag sub ako sa kanya? Ako na muna ang upuan mo." -Tyler, imba sa pagkabait tong isang to

"Hindi, ayoko nun. Uupuan mo si Skyler o hindi ko na kayo patitirahin sa mansion?" -Go

"Sabi ko nga uupo na ako eh. Sorry bro." -Tyler,  tapos inupuan narin si Skyler

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon