CHAPTER 44- Fall for me again!

661K 6.2K 1.9K
                                    

CHAPTER 44- Fall for me again!

NASH's POV

"Horror House? Sigurado ka?!" sabi ko kay Bryle nung tumigil kami sa harap ng isang Horror House, ito ata ang balak niyang pasukin namin

"Bakit? Anung meron sa Horror House?" -Bryle

"Edi ba takot ka sa ganyan?!" pagkasabi ko nun natigilan si Bryle

"Pa-pano mo nalaman na takot ako sa ganyan?" -Bryle

Aw. Shet. Nadulas ako dun. Hindi ko nga pala dapat sya maalala! Isip Nash, isip ng palusot!

"Huh? Ah eh na-naikwento lang sakin ni Bryan Go na matatakutin ka daw sa mga multo. Nung natrap nga daw kayo sa elevator tapos kinwentuhan ka nya tungkol sa multong nurse, nahimatay ka daw nung makakita ka ng nurse."

"At talagang pinagyabang pa nya yun sayo?! Eh nahimatay rin naman sya ah! Pareho lang kami!" 

"So takot ka nga sa multo?"

"Heh! Hindi ako takot! Nawalan lang ako ng malay nun kasi.. kasi.. ah basta hindi ako takot sa multo! Tara na Na--Shana!"  at hinigit na ako ni Bryle papasok dun sa Horror House

Nakahinga ako ng maluwag dun, buti na lang mabilis madivert ng attention nya at mabilis syang mapaniwala sa mga palusot. Minsan talaga convenient na may pagkabobo si Bryle. -_-

Ang tapang tapang ni Bryle nung pumasok kami sa Horror House pero paglabas naman namin...

"Hindi pala takot huh?" sabi ko sa kanya na sobra kung makalingkis sa braso ko

Pagkasabi ko nun bigla naman syang napabitaw sakin tapos..

"Hindi naman talaga ako natakot! Mahigpit lang ang kapit ko sayo kasi baka mawala ka, mahirap na no. Tch. Tara nga dun, bibili ako ng maiinom, nauhaw ako dun." kahit kailan in denial parin talaga sya

Bumili si Bryle ng inumin, ibinili nya rin ako.

"Hindi pala natakot pero nanginginig yang kamay mo." pang asar ko, nanginginig kasi talaga yung kamay nya habang umiinom

"He-heh! Nanginginig lang yung kamay ko ka-kasi nga uhaw ako! Bilisan mo ng uminom dyan at marami pa tayong sasakyan!"

.

.

Ngayon sa Extreme Tower Ride naman kami sasakay. Yung ride kung saan uupo ka sa isang upuan na nakakabit sa isang parang tower na mataas tapos tataas ng sobra tapos pag nasa taas na bigla namang bababa.

Si Bryle, alam ko takot sya sa heights. Ayaw nya sa mga gantong rides pero bakit nya ako dinala rito? Gusto ko syang tanungin pero syempre hindi ko na lang ginawa kasi baka mamaya magtaka na nga sya kung bakit ang dami kong alam tungkol sa mga kinatatakutan nya diba?

Kaya ayun, sumakay na nga lang kami, natatawa nga ako kay Bryle kasi habang palapit kami ng palapit dun sa pila, mas pinagpapawisan sya. Gabi na pero pinagpapawisan parin sya haha.

As expected pagkatapos naming sumakay, medyo nanginginig yung tuhod ni Bryle. Ahaha. Pero laking gulat ko dahil imbis na sabihin saking ayaw na nyang sumakay pa sa rides eh inaya nya pa akong sumakay sa mga rides na alam kong kinatatakutan nya.

Sumakay kami sa Anchor's Away, Space Shuttle at sa Jungle Log Jam.

Ngayon naglalakad kami palabas nung exit nung Jungle Log Jam, kakatapos lang naming sumakay. Nauuna akong lumakad kay Bryle pero natigil ako nung bigla nya akong hinigit dahilan para mapaharap ako ng malapit sa kanya.

"Anu bang ginaga--" natigil ako sa pagsasalita kasi bigla na lang nyang pinunasan yung mukha kong medyo nabasa kanina nung tubig dun sa ride tapos bigla nyang hinubad yung jacket nya at sinuot sa akin

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon