CHAPTER 37- I won't give up.

616K 6K 980
                                    

CHAPTER 37- I won't give up.

THIRD's POV

"Ugh ang sakit ng katawan ko." daing ko habang hinihilot yung balikat ko

"Ako rin, parang hindi ako makakapasok bukas." -Tommy

"Wag na tayong pumasok bukas!" -Third

"Sige, sama sama tayo?" -Tommy

"Oo! Sama sama tayo! Teka--hoy best friend bakit kanina ka pa walang imik dyan?!" paano tahimik lang sa isang tabi si Steve

"Ayoko ng umimik pa. Pag umimik ako may masasabi na naman kayo tungkol sa akin kay Bryle. Takot ko na lang kay Bryle ngayon, sobrang init ng ulo nun ngayon tsk." -Steve

"Sayang." bulong sakin ni Tommy, kanina pa nga kasi namin tsinechempuhan na may sabihin si Steve na pwede naming gamitin against him, kaso mukhang tumatalino na ang loko

Nandito kami ngayon sa bar nila Tommy, nasa isang private room kami, ayaw kasi ni Bryle ng maraming tao at maingay, emo sya ngayon. Kanina pa kami nag uusap ni Tommy pero si Bryle hindi umiimik, tahimik lang syang umiinom ng beer sa isang tabi habang nakatulala sa kawalan.

Hindi ko naman sya masisisi kung bakit ganyan ang inaasta nya ngayon, masakit naman kasi talaga yung mga sinabi sa kanya ni Nash. Kung si Katie ang magsasabi sakin nun siguro--- Oo nga pala, dahil lage akong lasing medyo naiiwasan ko ng isipin at medyo nasasanay narin ako na wala sya pero pag naiisip ko sya masakit parin. Wala na nga pala sya sa akin. Mukhang wala na talagang pag asang mapatawad pa ako ni Katie. Hays.

"Painom na nga rin! Tommy isang case pa sabihin mo sa waiter nyo!" sabi ko sabay bukas rin ng isang beer

"Oy! Oy! Nakarami ka na nung isang araw ah? Bakit maglalasing ka na nama--"

"Ako rin iinom narin! Kumuha ka pa nga ng isang case Tommy!" -Steve

"Eh?" -sabay kami ni Tommy na napatingin kay Steve

"Oh bakit kayo ganyan makatingin huh?" -Steve

"Wag mong sabihing may problema na naman kayo ni Stacy?" tanong ko

"Wala no." -Steve

"Kung ganun bakit makiki inom ka rin at mukhang in despair din yang mukha mo?" -Tommy

"Mag iinom ako para ipagluksa ang kapalarang sinasapit ko sa barkadang to lalo na sa inyong dalawa! Huhu. Bakit ba lage na lang ako? Kailan ba kayo titigil ng pantitrip sa akin huh?" -Steve

Nag tinginan kaming dalawa ni Tommy tapos tumingin ulit kami kay Steve tapos..

"Time will tell." sagot naming sabay ni Tommy

"Anung time will tell? Wala na ba talaga kayong balak na--"

"Bryle sabi ni Steve bakit daw lage mo na lang syang pinagtitripan?! Ang sama sama mo daw." -sigaw ko

"Hoy anu na naman yang--"

"Kailan ka daw ba titigil ng pantitrip sa kanya Bryle? Wala ka daw puso!" -Tommy

"Sabi ko nga hindi na lang ako iimik." sabi na lang ni Steve tapos nagbukas na sya ng beer, aw pikon na ata

"Haha. Sorry na Steve! Hindi naman kami pinansin ni Bryle. Hehe." -Tommy

"We love you best friend." sabi ko sabay yakap kay Steve

"We love you Steve!" sabi ni Tommy sabay yakap din kay Steve

"Layuan niyo ko! Mandiri naman kayo!" -Steve na tinutulak kami

"Sorry na kasi Steve!" -kami ni Tommy

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon