CHAPTER 26- Foundation Week Blues

777K 6.3K 1K
                                    

CHAPTER 26- Foundation Week Blues

KATIE's POV

"Pawis na pawis ka na wifey." -biglang sumulpot si hubby sa tabi ko tapos pinunasan ako ng pawis

"Aw. Ang sweet naman ng hubby ko. Thank you hubby."

"Thank you lang? Gusto ko ng kiss."

"Hubby nandito tayo sa--"

"May kasalanan ka pa sakin Katie, akala mo nakalimutan ko na? Para makalimutan ko yun kailangan mo kong halikan."

"Tsk. Sige na nga, pero sa cheeks lang huh, nasa school parin tayo no."

"Ok ^__^."

Ikikiss ko na sana si hubby sa cheeks ng--

"Anu ba naman yan nakakadiri kayong dalawa! Wag nga kayo dyan maglandian sa daraanan ko." -bigla lang naman sumingit si Bryle at hinawi yung mukha namin ni hubby palayo sa isa't isa

"Bryle anu bang problema mo huh? Kung ayaw mo ng nakikita mo wag ka na lang tumingin! Namumuro ka na sakin huh!" -Hubby

"Bakit anung gagawin mo sakin huh Third? Lalaban ka na?!" -Bryle, magkakagulo pa ba sila? nasa detention na nga kami oh!

"Hi-hindi.. sinasabi ko lang na namumuro ka na sakin, sinasabi ko lang naman Bryle." -Hubby

so tiklop parin si hubby kay Bryle

Bakit kaya ang init ng ulo ni Bryle ngayon? Matanong nga si Nash..

Lumapit ako kay Nash na kasalukuyang nagluluto sa di kalayuan..

"Nash, bakit ang init ng ulo ni Bryle? Magkaaway na naman ba kayo?" napatigil si Nash ng paghahalo nung niluluto nya tapos

"Sya ang tanungin mo." -sabi lang nya ng hindi tumitingin sa akin tapos nagtuloy na ulit sa pagluluto, wat the?

"Bryle magkaaway kayo ni Nash?" -Hubby talking to Bryle na medyo malapit lang din naman sa amin

Nasa kusina po kasi kami ngayon, nagluluto. Bale ito kasi yung parusa samin, ito yung detention booth. Isa tong restaurant booth na nagseserve ng pastries, coffee, and pasta sa mga customers. Lahat ng tutubuin dito mapupunta sa charity. Kami ang cook ni Nash since kami ang HRM student dito.

"Hoy Bryle anu na namang pinag awayan niyo ni Nash?" -Hubby parin, ayaw kasing sumagot ni Bryle eh, nakaupo lang sa isang tabi naglalaro ng psp

"Sinungaling kasi yang babaeng yan." -Bryle

"Panung naging--" magtatanong palang si Hubby ng sumabat bigla si Nash

"At ako pa ang naging sinungaling sa atin huh? Ang kapal talaga ng mukha mo!" -ngayon nakalapit na si Nash sa harapan ni Bryle at tinututukan si Bryle ng syanse

"Oh bakit totoo naman ah?! Sinungaling ka!" -Bryle na tumayo na sa pagkaka upo, eye to eye na sila ni Nash

"Sinungaling ka rin naman ah! So pareho lang tayo!" -Nash

"Mas malala ka sakin!" -Bryle

"Ikaw ang mas malala!" -Nash

"Ikaw!" -Bryle

"Ikaw sabi eh!" -Nash

"Aba at talag--"

"Tama na nga yan! Huminahon nga kayong dalawa, nasa detention tayo ngayon baka nakakalimutan nyo." buti na lang inawat sila ni hubby

"Eh kasi naman yang Nami na yan eh, ubod ng sinungaling." -Bryle na umupo na ulit

"Wag kang magsalita na akala mo hindi ka rin sinungaling." -pasaring naman ni Nash

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon