*ThirTie CHAPTER: You LOST Me...

711K 6.2K 1.2K
                                    

*ThirTie CHAPTER: You LOST Me...

KATIE's POV

"Aray..Namamaga na yung mga daliri ko. Ang sakit na talaga. Huhu. Pero para naman to kay hubby ko kaya ayos lang! I love you hubby! Parating na ako dyan! Miss na miss na kita!" para akong tangang sinisigaw yun habang naglalakad palabas ng condo ko, babyahe na ako papunta sa condo unit ni hubby

Birthday ni hubby ngayon at napagkasunduan naming icecelebrate namin yun ng kaming dalawa lang. Nung isang taon kasi kasama namin yung buong barkada, ngayon we decided to celebrate it with just the two of us. Magkakaron na lang ng post celebration si Third para sa barkada.

Haaaaaaaay, ang boring sa byahe. Galing pa kasi akong Tagaytay eh. Tsk. Boring talaga pag walang kasama sa bus. Nauna na kasi si Nash sakin since isusurprise daw nya si Bryle.

"Sana magustuhan to ni hubby." sabi ko na lang habang tinitingnan yung regalong pinaghirapan kong gawin, pati narin yung cake na pinaghirapan kong ibake

.

.

After ilang oras ng byahe, yes nakarating narin ako sa condo ni Third. Sa condo na nakatira si Third, separate na sa mama nya. Gusto na daw kasi nyang itry maging independent. Madalas nga akong tambay dito dati nung hindi pa ako nag oojt. Hehe. Kilala na tuloy ako nung mga staff dito.

"Katie? Akala ko kasama ka ni Third na pumasok sa condo nya kanina?" -Mr. Atienza, manong na nakatira sa condo unit na katabi nung kay Third

"Mr. Atienza naman, baka namalikmata lang kayo. Ganun po yata pag tumatanda eh."

"Sabagay. Ang dami mong dala ah?"

"Birthday po kasi ni Third eh."

"Ah ganun ba? Ang sweet mo naman. Ibati mo na lang ako sa kanya huh?"

"Ok po." at nag tuloy tuloy na ako ng paglalakad pero..

"Sigurado ka talagang hindi ka pumasok sa condo ni Third Katie?"

"Hindi nga po Mr. Atienza."

"Ok, ok. Namalikmata nga lang siguro ako."

Nagtuloy na ulit ako sa paglalakad. Ang weird ni Mr. Atienza. Bakit paulit ulit nya akong tinatanong ng ganun? Ganun ba pag tumatanda na? Well whatever, basta ang mahalaga makikita ko na ulit si hubby! Miss na miss ko na sya.

Sobrang energetic ko habang lumalakad papunta sa condo unit ni hubby. Kumakanta kanta pa nga ako eh..

Alam ko ang password ng pinto ng condo ni hubby kaya nakapasok ako ng di na nagdodoorbell, gusto ko nga kasi syang sorpresahin.

Pag bukas ko ng pinto, tutuloy na sana ako papasok ng may mapansin ako.. May sapatos dun sa doorstep, sapatos ng babae. At hindi ko sapatos yun.

Nung mga oras na yun, may kakaiba na akong naramdaman. Parang bigla na lang akong nanlambot. Kung anu anu ng pumasok sa isip ko pero pilit ko yung hindi pinansin. Sabi ko na lang, imposible yung mga iniisip ko. Imposibleng gawin ni Third yung iniisip ko. 

"Masyado lang siguro akong nanonood ng mga teleserye sa t.v. kaya ganito. Siguro kay Tita Arabella lang yan. Baka pinuntahan nya si Third." bulong ko na lang sa sarili ko at unti unti ko ng ginalaw ang binti ko papasok

Wala si Third sa living room, wala rin sya sa kitchen, so malamang nasa kwarto nya sya. Ang alam kasi nya gabi pa ako pupunta dito, pero dahil gusto ko nga syang isurprise eh medyo inagahan ko yung punta ko. Baka tulog pa yun. Pero kung tulog sya, meaning nasa kwarto din si Tita Arabella?

Pagtapat ko sa pinto ng kwarto ni Third, hindi ko alam kung bakit pero parang there's this part of me that hesitates to open it. My instincts tells me I shouldn't open the door for some reason. Pero I ignored it, at tinuloy ko ang pagpihit sa doorknob.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon