CHAPTER 38- How to SEDUCE a girl.

715K 6.7K 1.3K
                                    

CHAPTER 38- How to SEDUCE a girl.

NASH's POV

"Sabi mo maliit lang yung bahay na tutuluyan natin kaya pagtyagaan ko na lang, maliit ang tawag mo dito Bryle?" nasabi ko na lang pagpasok namin dun sa vacation house nila Bryle, nasa Davao na kami ngayon

"Maliit naman talaga to ah, kung ikukumpara dun sa mansion nung lolo mo, sobrang liit nito." -Bryle

"Ibig kong sabihin--"

"Gagawin pa ba nating issue tong laki ng bahay? Pagod na ko Nami, ilagay na natin tong mga damit natin sa kwarto." sabi ni Bryle at lumakad na sya paitaas nung hagdan

Sumunod na ako sa kanya. Pumasok na sya dun sa kwarto nya, may label yung mga kwarto eh. Bryle's room, tapos yung sakin meron din, Nami's room. Talagang inayos na nga lahat ni Lolo Bernie dito, bilib na talaga ako sa kanila.

Isa isa ko ng pinaglalagay yung mga damit  na dala ko sa maleta dun sa malaking closet sa loob ng kwarto. 

Grabe, kahit galing palang ako sa pagtakas, diretsong sakay na agad kami ni Bryle sa private plane nila, pagod na pagod tuloy kaming pareho. Gusto ko ng magpahinga. Lalakad na sana ako papunta sa kama ng bigla akong tawagin ni Bryle.

"Hoy babae, matutulog ka na agad? Kaen muna tayo, gutom na ako eh." sabi ko na nga ba eh, basta sa pagkaen hindi talaga ako makakatakas dito

Kaya ayun, pinagluto ko na sya ng adobo. Ang daming ingredients dun sa ref eh. Ang dami naming supply ng pagkaen sa totoo lang, napanganga na nga lang ako ng makita ko ang mga yun eh.

"Wow! Namiss ko talaga ang adobo mo! Haay, ang sarap!" -Bryle

"Halata ngang namiss mo, ang bilis mong naubos eh. Naka ilang banto ka pa, grabe ka talaga."

"Sus, ikaw rin naman."

"Hehehe."-Bryle

"Bakit ka tumatawa ng mag isa dyan? nababaliw ka na ba huh Bryle?"

"Hehehe."

"Ay ewan ko sayo!" uminom na lang ako ng tubig pero habang umiinom ako..

"Naisip ko lang, para na tayong mag asawa ngayon."

*cough cough cough

Nasamid na lang ako nung marinig kong sabihin yan ni Bryle.

"A-anu bang sinasabi mo dyan huh Bryle?"

"Tayo lang dalawa dito, sa isang bahay, kumakaen ng magkasama, malayo sa lahat. Hindi ba para na tayong mag asawa Nami?" sabi nya sabay ngiti pa sakin ng nakakaloko

"A-anu bang sinasabi mo? Tu-tumigil ka nga Bryle!"

"Ui, kinilig sya."

"Sinong kinikilig huh?! Kung tapos ka ng kumaen, ligpitin mo na yang pinagkainan natin tapos hugasan mo!"

"Hugasan?"

"Oo, ako ang nagluto kaya dapat, ikaw ang maghugas."

"What the? Pero--"

"Walang pero pero Bryle, kung gusto mong makakaen pa sa susunod, dapat maghugas ka ng plato. Since wala naman tayong mga katulong dito, kailangan tulong tayo sa mga gawaing bahay ok?"

"Tsk. Oo na asawa ko." sagot nya tapos walang kabuhay buhay na niligpit yung mga plato at pumunta na sa may lababo

Lalakad na sana ako palabas ng kitchen pero..

"Hoy Nami!"

"Anu? Wag mong sabihing tuturuan pa kita kung pano maghugas ng plato?!"

"Hindi! Diba sumagot ako sayo kanina! Sabi ko, oo na asawa ko. Da-dapat sumagot ka rin dun!"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon