CHAPTER 32- OPERATION: Let's Get You Back Together!

726K 6.7K 2.4K
                                    

CHAPTER 32- OPERATION: Let's Get You Back Together!

BRYLE's POV

"Haay.." -Steve

"Haaay.."-Third

"Haay.." -Tommy

"Magsitigil nga kayo! Kanina pa kayo dyang wala ng ginawa kung hindi mag buntong hininga!" sigaw ko sa kanila, aba eh nakaka bwisit na eh!

"Pati hangin pinagdadamot mo na ngayon Bryle?" -Steve

"Oo, kaya wag kang huminga! Tss."

"Kung nabibwisit ka eh di umalis ka na lang, laki ng problema mo." -Third sabay hithit ng sigarilyo

"Ikaw ang umalis! Airconditioned tong kwarto, dito ka naninigarilyo! Kailan ka pa bumalik sa paninigarilyo huh?"

"Haay ang ingay mo." -Third sabay tayo tapos pumunta dun sa may bar area

"Aalis narin ako, sayo na lahat ng hangin mo. Swapang sa hangin, kaya puro hangin ang ulo." -Steve sabay lakad din paalis at umupo sa tabi ni Third, nag inom na sila ng beer dun

"Aba at gusto atang masapak ng mga t--"

"Bryle hayaan mo na lang sila, alam mo naman ang sitwasyon ng mga yan eh." -Tommy

"Tch, eh nakakabwisit na kasi sila eh! Teka eh bakit nga pala pati ikaw nakiki buntong hininga din dyan Tommy? Wag mo sabihing naghiwalay na rin kayo nung highschool mong syota?"

"Hindi ah. Bored lang kasi ako." -Tommy

"Pareho pala tayo. Walang mapagtripan, hindi masayang pagtripan si Steve ngayon, wala pa akong ginagawa dismayado na ang itsura. tss."

"Wala ring magpaplano ng pantitrip natin kasi wala si Third." -Tommy

"Haaaaaaaay.." -ako

"Haaaaaaay.." -Tommy

Takte pati ako napa buntong hininga narin, bored na bored na talaga ako dito sa tambayan! Ilang araw na kaming ganito! Nung una nakakaya ko pang iignore sila dahil sa paglalaro ng PSP at pagbabasa ng manga, pero ngayon talagang nakakabwisit na! Gusto ko ng bumalik yung dati! Hanggang kailan ba sila magiging ganito? Naaasar na akong makita ang mga pagmumukha nilang akala mo pinagsakluban ng langit at lupa! Idagdag mo pa yung inis ko dahil sa tuwing dadalawin ko si Nami sa Tagaytay ni hindi ko sya mayakap dahil nga dun sa best friend ni Nami na emo din ngayon. Tsk.

"Hoy kayong dalawa! Hanggang kailan ba kayo magiging ganyan?! Mga babae lang yun!" sigaw ko kila Third, I just snapped, punong puno na talaga ako

"Mga babae lang? Eh kung iwan ka ni Nami, hindi ka rin ba magkakaganito?" -Steve

Natigilan ako dun sa sinabi nya. Takte, nasupalpal nya ko dun ah!

"Supalpal ka ngayon, ingay ingay kasi." -Third

"Hi-hindi ako nasupalpal no! Kapag iniwan ako ni Nami, hindi ako magkakaganyan!"

"Oh talaga lang huh?" -Steve

"Talagang talaga! Kasi pag iniwan ako ni Nami, mas malala pa dyan ang gagawin ko no!"

"Medyo nakalusot sya run." -Third talking to Steve

"Tss, pinagmalaki pa talagang mas malala sya satin." -Steve talking to Third

"Hayaan mo na, mababa ang iq eh." -Third

"Aba at--"

"Bryle! Pagpasensyahan mo na lang sabi!" -Tommy

Susugurin ko na sana yung mga loko, pero naupo na lang ako dahil kay Tommy. Tsk! Naiintindihan ko naman sila kaso, nakakabwisit na talaga pag ganyan sila! Sana bumalik na sila sa dati bago ko pa sila mabugbog na dalawa! Umiinit ulo ko ng wala sa oras. Tsk

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon