BONUS SPECIAL CHAPTER #2.5: Making Love (Part 2)

783K 8.9K 2.4K
                                    

(RESTRICTED CHAPTER. READ AT YOUR OWN RISK PLEASE.)

BONUS SPECIAL CHAPTER #2.5: Making Love (Part 2)

NASH's POV

Kasabay ng bawat paghakbang ko papunta dun sa cr ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Hindi ganun kalayo yung cr pero pakiramdam ko sobrang  layo ng nilakad ko. Nung makarating kami sa harapan nung pinto, parang sasabog yung dibdib ko. Nanginginig yung kamay ko habang binubuksan yung pinto. Ng makapasok kami sa loob, biglang ang init, biglang ang hirap huminga.

Pagkasaradong pagkasarado ni Bryle dun sa pinto, agad syang tumitig sa akin, sa mga mata ko. Ang amo ng mga mata nya, medyo mapula yung mukha niya. Isang maamong Bryle Caleb Stanford ang nasa harapan ko ngayon, bagay rin pala sa kanya yung ganun.

He gulped bago sya nagsalita, "Taas ang kamay." full of authority na sabi niya.

Tinaas ko nga ang kamay ko sabay sabing, "Holdap ba to? Wala akong pera!"

Napa face palm na lang si Bryle pagkasabi ko nun, "Nami hindi holdap scene to anu ba naman!" sigaw nya, balik na naman bigla sya sa dating Bryle. At least medyo nawala yung awkwardness na nag uumapaw sa pagitan namin kanina dahil dun.

"Ayusin mo kasi." sabi ko sa kanya.

Sasagot pa sana sya sa sinabi ko, pero hindi na niya itinuloy.

Lumakad sya papalapit pa sa akin, sobrang lapit na nya. Yung init ng katawan nya nararamdaman ko kahit hindi dumidikit sa akin ang katawan nya.

"Hubad." sabi niya.

Mambabara na naman sana ako pero nagsalita pa sya, "Subukan mong mambara pa, rerapin kita." binulong nya yan sa tenga ko. Kinilabutan ako.

"Bryle naman eh!" hinampas ko sya ng mahina sa dib-dib. Napa atras sya ng konti at natawa ng konti, inaasar na naman nya ako I knew it!

"Ikaw eh. Pero seryoso Nami, itaas mo na yung kamay mo."

"Bakit ba kasi?"

"May naliligo bang nakadamit?"

"Oo, ako."

"Nami, isa."

"Joke lang, ito na nga oh." Tinaas ko na nga yung kamay ko. Kahit nakakapagbiro pa ako sa kanya, sa loob-loob ko sobrang kinakabahan talaga ako.

Hinawakan nya yung laylayan ng medyo basa ko pang damit at dahan-dahang tinaas yun. Kasabay ng pagtaas nya sa damit ko ang sya ring pagtaas ng mga mata nya patingin sa akin, para bang hinuhubaran rin ako ng mga mata nya. Nang mahubad nya ang pang taas ko, napatungo ako dahil sa hiya, pero hinawakan nya ang baba ko at itinaas yun para mapatingin sa kanya.

Hinalikan nya ako sa noo, and that took away about half of the embarassment I'm feeling. Ngumiti sya sa akin. Kahit medyo naiilang, ngumiti rin ako sa kanya. Sya naman ang naghubad ng pang-itaas nya pagkatapos. Hinalikan na naman nya ako, mabilis na peck lang sa labi tapos agad nyang hinawakan ang beywang ko at unti-unting hinigit pababa yung suot kong pantalon. Hinubad narin niya yung kanya. Hinawakan nya yung likod ng bra ko, balak sanang tanggalin yung kawit nun pero tumigil sya, napansin siguro ang pagkailang ko. Kaya imbis na hubarin yun, hinawakan na lang nya ang kamay ko at hinigit papasok dun sa rectangular na shower area na enclosed sa glass na sliding door.

Nakatayo sya sa likuran ko nung pihitin nya yung knob nung shower, dumikit yung balat nya sa likuran ko, lalo tuloy uminit yung pakiramdam ko. Malamig sa loob ng shower room, nakakapagtakang sobrang init ng pakiramdam ko.

Nakatayo lang kami dun habang sabay na nauulanan ng tubig mula sa shower, ang hirap na namang huminga. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Ngayon lang talaga naging sobrang awkward kausapin si Bryle.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon