CHAPTER SEVEN

302K 4.1K 784
                                    

SHORT NOTE: Sabi ko next week ako maguupdate pero dahil may time pa naman ako para gumawa ng school works, ito na! Yayyy! Hahahaha! Ang drama ng last update kaya ngayon, light na lang. Hahaha, labo ko! Kflybye! Ano ba 'tong pinagsasabi kooooo! =)))

"Rylie, bakit mukha kang matamlay?" Katy asked.

"Wala wala." Hayy, namumugto kasi mata ko kagabi. Ewan ko, dapat kasi ang mga lalaki hindi iniiyakan. Hindi talaga! Alam ko naman kasing hindi umiikot ang mundo natin sakanila. Pero kasi, ang sakit. 2 years na nakakaraan, dapat nakamove on na ko diba? Pero bakit ganito? Dahil kaya wala kaming closure?

Oo nga pala, napagusapan namin ni Justin na magaact kami as normal pero hindi friends. Magiging friends lang kami pag nag heal na yung wounds at pag hindi na namin mahal ang isa't isa. Para na din kay Katy. Pati ayaw na rin namin ng gulo. Pero inaamin ko, di ko pa siya napapatawad, masakit pa din kasi. Fresh na fresh, woo! Alam naman niya yun eh kaya magpapakaplastik muna kami.

Nakauwi nga pala kami ng maaga kasi may nagbukas na guard sa amin kagabi. Nataon kasing may naiwan sa rooftop yung guard. Haha! Buti na lang, di ko na din kaya yung awkward moment na yun eh 







Uwian na...


"Rylie ha, una na ko. Gagayak pa ko para bukas e."

"Katy, pwede bang wag na lang ako sumama?"

"Wala ng back out back out Rylieeee."

"Okay fine -____-" 

"Sige, gayak ka na din. Bye! Rest ka na!"

"Pupunta pa ko sa DSG meeting eh. Urgent."

"Sige sige. Bye!" Nag beso na kami.

Nagpunta na ako sa DSG. Alam niyo ba yung feeling na pagod na pagod ka na kahit wala ka naman ginagawa. Lakad lakad lang. Ewan, siguro dahil lang sa sadness. Pero bakit naman ako masasad? Nakakalakad pa naman ako, nakakakain din wala nga lang gana, and may kaibigan naman ako. Iisipin ko na lang na madami pang mas malala ang pinagdadaanan kesa saakin.

"OMGGG! Rylie, you're here!" Sabi ng isang member sa akin.

"Why? Why?" Nagtataka pero matamlay kong tanong. Hayayay. 

"We have good newsssss!" Sabi ni Cheska. 

"Haaaa? Anooo?" Matamlay pa din. 

"Magsasama yung drama and singing guild para sa isang musical play. And guess what?! Baka dito sila pumili ng leading role. Hahaha! Aminin, gusto mo yooon!" 

Noong sinabi niya yun, nag twinkle twinkle mga eyes ko. 

"Weeeh? Talagaaaa? Haha! Woaaah, guys! Congratulatioooons." Nag group hug kami at sa di inaasahan na pangyayari, katabi ko si Justin. Wow lang >.<

"Sure na si Justin yung lalaki na bida!" Sabi ng isang babaeng member din ng DSG. 

Nag agree naman silang lahat. Sorry pero hanggang Stupid love by Andrew E lang ang kaya kong kantahin and ang daming mas maganda sa akin so imposible na ako yung girl. Sure ako doon! Plus, organizer lang talent ko no. Plus plus, sumali ako sa guild na 'to hindi para kumanta.

"Sana ako na lang yung girl." nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ng isang member. Halatang fan girl kasi. Hahahaha! Tawang tawa tuloy lahat. 

Masaya kaming lahat kasi for once, may chance na sumikat yung guild namin. Hindi na weird yung tingin nila sa DSG. Helloooo, ang gaganda kaya ng boses nila pero walang pumapansin. Weird daw tapos nerds. Hayy, stereotyping.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now