CHAPTER TWENTY-SIX

277K 3.7K 351
                                    

Lasing parehas sila Justin at Josh. Nakakainis talaga! Hiyang hiya ako pagkatapos ng ginawang scene ni Justin. Ang tagal kaya non! Tapos lahat ng tao, cinocongrats at iniintriga ako. Ba't di ko daw sinabi ek ek butsikik. Bwisit! Everytime na sinasabi ko naman na hindi kami, walang naniniwala. Ang intense daw kasi ng nangyari tapos bagay daw kami. Tengene, ayoko naaa.

Ako ang nag-alaga sa kanila hanggang sa matapos ang party. Wala naman kasing problema sa party, sa katunayan nga, super successful! And sila (org mates) na din nag sabi na ako na mag-alaga sa dalawa since bestfriend ko yung isa at boyfriend ko naman yung isa. ANG KULIT!!! HINDI KO NGA SABI BOYFRIEND YUN EH!!!

Pero paano ko iuuwi sila Justin at Josh? Di ko alam kung nasaan bahay ni Josh. Si Justin naman, madaling araw na baka kung ano pa mangyaring masama. Hindi ko naman sila pwedeng iuwi sa bahay. Dalawang lalaki yan, baka patayin ako nila mama at papa. Eh forever loyal pa naman sila kay Justin. Ayaw nila kay Josh! Kung alam lang nila... -_-

Kinusap ko si Brylle, hindi daw pwede. Si Lynne naman, papatayin din siya ng parents niya. Si Ariza, medyo lasing na. Anong problema nito? Hmm. Si Christian na lang talaga!

"Christian, please?"

"Sige since magkakasama naman talaga kami nila Justin sa iisang bahay. Pero Rylie, kailangan mong sumama. Hindi ko sila kayang dalawa. Ariza's my priority," Sabi niya na sobrang natouch ako. Kaya wala akong choice kung hindi sumama sa bahay nila.

"I'll go in first!" Sigaw ni Justin kay Josh na nagtutulukan papasok ng pinto ng bahay.

"ME FIRST!!!" Sigaw ni Josh sabay tulak kay Justin.

"Ay butiki," Nasabi ko nang muntik ng matumba si Justin sa pagkakatulak ni Josh. Buti na lang, nasa likod niya ako. Yung hands ko, nakawrap sa waist niya. Ang bangoooo nakakainis! Grrr.

Inalis ni Justin hands ko sa waist niya tapos humarap sa akin kahit na patumba tumba na siya. Hahahaha! Nakakatawa, first time ko nakitang nalasing silang dalawa.

"What?" Tanong ko sa kanya.

Kinuha niya kamay ko tapos niliitan niya mata niya, "Thank you, J-jamilah." At hinalikan niya na naman ako ng madiin pero sandali lang.

OH CRAAAAAAAAAAAAAP!

"Heeeey, stop kissing her you d!ck!" Sabi ni Josh na kinagulat ko.

"So what if I kiss her? What's it to you? Huh?" Sagot naman ni Justin na tumitinga tingala pa na parang naghahamon ng away.

"'Tol, go fix yours-"

"UMAYOS NGA KAYOOOO!!!" Sigaw ko at nauna ng pumasok sa loob. Iiwan ko na sana sila nang...

"Ikaw kasi e." -Josh

"Nagalit tuloy!" -Justin

"Kasalan mo 'to, pre!" -Josh

"Ako pa ngayon?" -Justin

Dahan dahan akong humarap sa kanilang dalawa...

"ANO BA! GUSTO NIYO BA AKONG PAHIRAPAN?"

Sabay silang umiling iling. Madaming iling!

Nakarating na kami sa taas tapos bagsak agad silang dalawa sa kama. Hahahahahaha! BTW, kwarto nga pala 'to ni Justin. Pwahaha! Ang sarap nilang picture-an! Pero dahil mabait ako, hindi ko yun gagawin. Bad yun. Hahahahaha! Vivideohan ko na lang sila. LOOOOOOL!

Oh sht, paano nga pala ako uuwi? Ayoko istorbohin si Christian. Baka nga tulog na sila ni Ariza, e. Hahahaha! Pero grr. Tinawagan ko na ng madaming beses si kuya driver pero wala e. Tulog na din siguro. Huhuhu, paano naaa.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon