CHAPTER TWENTY-FOUR

258K 3.9K 745
                                    

Mooooonday na! Another normal day. Alam niyo naman ng ang normal day ko eh busy day, diba? Sana alam niyo kasi stress na stress na ko sa buhay ko. Hayy konting push pa! Konti na lang, party party na. Wooo! Hindi din nakakatawa masyadong madaming ginagawa.

"OMG RYLIE!!!" Hinug ako ni Katy pagkakita na pagkakita sa akin.

"Why?" 

Dumikit siya sa tenga ko at bumulong, "Kami na ni Dylan. Shhhhh!"

"WHAT?!" O_______________O

Tumango tango siya habang kinikilig pa. Kaloka! 

"Mag kwento ka nga, Katy. Bakit parang... ang bilis?" 

"Eh kasi... Fine! Since dati na naming alam yung sa inyo ni Justin, sobrang naging tight kami. Kahit ang sama niya sa akin and vice versa, pag malungkot kami, kami din magcocomfort sa isa't isa. Lumala lang naman noong nasa Pangasinan tayo..."

"What happened in Pangasinan?" I asked.

"Depressed kami parehas, lasing din kami parehas..."

"OMG BUNTIS-" Tinakpan niya yung bibig ko at nag panic kasi ang dami ng taong nakatingin sa amin.

"OMG KA ANG INGAY MO! Halika nga," Habang hinihila niya ako papuntang CR, nagulat ako kasi ang daming taong nagcocongrats sa akin. Nagtthank you na lang ako kahit di ko alam kung bakit. Anyare?

Nakarating na kami sa CR, "Lasing kami parehas pero naaalala namin yung nangyari. Kung yung iba, may mangyayari. Kami... hindi. Nag-laro lang kami sa may sand hanggang sa naging sober kami tapos biglang... wala. Naging awkward na lahat kasi hindi kami sanay na ganun kami. Ganun pala feeling nun?" Kinikilig talaga siyaaaaa!!!

"Tapos? Ano na nangyari?"

Bumulong siya, "Nag kiss kami." Tumili pa ang bruha. Ang sakit ng tenga ko ah!!! 

Bago pa kami pumasok sa room, "RYLIE!" Cheska hugged me, VP ng singing guild. "Congrats! Ikaw ang lead. You really deserve to be our president," Sabi ni Cheska. 

"Ha?" Ano daw?

"Ano ka ba, nakapasok ka! Kayong dalawa ni Justin yung lead role."

"WHAAAT?" Si Justin? Nag audition siya?!

"Yup! Medyo madami din naman tayong nakapasok," She laughed.

But still...

"B-bakit s-siya? And when did he audition?" I asked. Ughh! 

"Hmm. Almost an hour after mo umalis." Kaya pala! Kaya pala! Kaya pala!

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ