CHAPTER TEN

291K 4.2K 572
                                    

Ang sakit ng ulo koooo! Ano ba nangyayari sa akin? Wait nga, bakit ako nandito? Tumingin ako sa gilid ko tapos nakita ko si Dylan sa kabilang kama, natutulog. Tumingin ako sa orasan, 5 PM na! Ano ba kasi nangyari? Paano ako napunta dito? Wag mong sabihing nagteleport ako?! Nyenye, Rylie. Nyenye! Hahaha!

Lumabas muna ako at naglakad lakad. Sorry, ganito talaga ko pag may sakit. Haha! Hyper masyado. Pero after ko maging hyper, it's either mahihimatay or manghihina ako ng sobra. Teka, nahimatay kaya ako? Oo sht, nahimatay nga ako!!!

Naghanap na ko ng mga cute shells. Nasabi ko na ba sa inyo na nagccollect ako ng shells dati? Wala, ang cute kasi. Haha! Inuuwi ko yung shells na yun tapos nilalagay ko sa planner at scrap book. Hayy. Nakakamiss maging bata. Nakakamiss yung times na wala akong iniisip kundi laruan at candy. 

Umupo muna ako sandali kasi pagod na ako. Nakita ko yung sunset, ang gandaaa! Sa gilid ko naman, may nakita akong mag asawa kasama yung mga anak nila. Ang cute kasi twins yung anak nila. Naalala ko tuloy sila Janine at Jenine, yung kapatid ni Justin. Nakakamiss sila. Nakakamiss magkaroon ng kumpletong pamilya. Nakakamiss noong magkakasama pa kami. Kay mama kasi ako nagsstay palagi tapos si achi naman, kay papa. 

Ang hirap isipin na hindi na mababalik yung dati. Oo, umaasa pa din ako hanggang ngayon na magkakabalikan pa sila pero siguro nga mas okay na din 'to kesa yung magkasama nga sila pero away naman sila away dahil sa walang kwenta babae na ang habol lang ay pera. Pati mas okay na din 'to para mahanap nila yung sarili nila.

Pero, nakakamiss talaga.

"Rylie, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. Ano bang ginagawa mo diyan? Baka mabinat ka." Tumawa ako. 


"Bakit ka tumatawa? Seryoso ako." Nag pout siya.

"Josh, tingnan mo oh. Ang ganda!" Tinuro ko yung sunset.

"OO NGA, ANG GANDA!" Pagtingin ko sakanya, nakatingin siya sakin. I poked him pero tumawa lang siya. 

"Tara na nga sa loob, mabibinat ka. Inumin mo muna 'tong gamot mo. Ikaw talaga! Lagi mo na lang ako pinagaalala. Pag malungkot ka, nagaalala ako. Pag nahihimatay ka, nagaalala ako. Pag natutulog ka kung saan saan, nagaalala ako. Ang hirap mong iwan, lagi na lang ako nagaalala." Nagulat yata siya sinabi niya kaya yumuko siya. Nakasmile lang ako.

"Masaya naman ako ah." Tumawa ako.

"Pero hindi genuine. Hindi totoo. Hindi mo man pinapakita, kitang kita ko naman sa mga mata mo."  Kilala na nga talaga niya ko.

"Thank you sa concern and sorry kung lagi kita pinagaalala. Love na love mo talaga ako no?"

"Love naman kasi talaga kita..." 

"As a friend." Tuloy ko. Alam ko naman na kung ano yung nararamdaman ni Josh sakin. Hindi ako feeler pero hindi rin ako manhid. TBH, di pa ko ready. Hindi dahil sa hindi ko gusto si Josh. Actually, gusto ko siya pero hindi pa ko ready at hindi sapat yun para maging kami. Hindi rin dahil sa mahal ko pa si Justin pero dahil gusto ko mahanap sarili ko. 

"Tara na balik na tayo." Sabi ni Josh. 

"Wait lang, mga 6 PM. Ang ganda ng sunset e."

Magiging ready lang siguro ako pag nahanap ko na sarili ko. Akala ko dati, nahanap ko na e. Pero bumalik si Justin tas yun nga, hindi pa pala. Hindi ko alam kung ano gusto ko. Hindi ko alam kung sino ba talaga si Rylie. 

Pero kasi, yung mga ganitong problema. Hindi naman sa tinakasan ko ha, pero masyado kasing mababaw para problemahin ko pa. Ang dami daming tao diyan na mas malaki yung problema pero hindi big deal sakanila. Ito pa kaya? Ayoko na din ng drama. Loka loka na nga ako lalo pa akong naloloka -____-

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora