CHAPTER FIFTEEN

299K 4.3K 459
                                    

(A/N: Hindi naman siya SPG. Hindi naman ata. Hahaha! Uhmm pambawi lang sa mga nag tiyaga mag-basa nito? Haha! Thanks, guys! Love ko kayoooo!!! Promise, tatry ko mas bilisan pa ang updates! Try lang ha? Salamat!)

Nag-lakad nga kami pero pagkadating ng hi-way, sumakay na kami ng tricycle. Kainis nga kasi ang liit ng tricycle na nasakyan namin at ang dami pa naming dala kaya sobrang sikip! Kulang na nga lang magkabaliktad na mukha namin e. Amoy na amoy ko yung hininga niya pati na din yung hoodie niya suot suot ko. Ang bangooo!

I bit my lip, "Ughhh, ang traffic naman ata?"

"What do you expect? Rush hour na," Sabi niya na parang ang tanga tanga ko. Tinulak ko shoulder niya gamit shoulder ko, "Heh!" I rolled my eyes pero natawa lang siya.

"Move ka nga, ang sikip!!!" Sabi ko.

His forehead furrowed, "Nag-iisip ka ba? Pag umasog ako, mahuhulog na ko." 

"Kainis," Bulong ko pero narinig niya.

Nagkatinginan kaming dalawa, intense! Intense na bad trip ha, hindi yung intense na intimate. Excuuuse me?!

"Ano bang problema mo?" We asked in unison.

"Ikaw," Sabay na namin kami.

"Nakakainis ka kasi," Sabi ko.

"Ano na naman bang problema mo sakin?" Tanong niya, halatang naffrustrate na siya. Eh bakit ba, naffrustrate na din ako!

"Malaki!!!"

"Kung may choice lang ako na hindi ka samahan, ginawa ko na. Pero wala e. Wala akong choice kasi nag-aalala ako. Gabi na, paano kung may mangyaring masama sayo?!" 

"Bakit ba kasi concern ka?! Ano ba kita?" Rylie, sobrang impulsive moooo! Ito nangyayari pag bad trip ako e. Kahit ayokong sabihin, nasasabi ko. I didn't mean to say those things, I swear!  Hinatid niya na nga ako, sumama na nga siya sa akin, siya na nga nagdala ng gamit ko, at siya na 'tong nag-aalala at concern sa akin pero sinabihan ko pa siya ng masakit. 

Ughhh tanga tanga mo, Rylie.

Pinanliitan niya ako ng mata...

"Sorry," I said. Yumuko ako.

Naramdaman ko siyang nag sigh pagkatapos ay nilagay niya yung index finger at thumb niya sa chin ko at tinaas ito. Pantay na ngayon mukha naming dalawa. Ang lapit din dahil maliit talaga yung tricycle at masikip, sobra!

"Ang labo mo," Sabi niya, "Makikipag-away ka tapos magsosorry ka." Natawa siya, omggg. Ganda ng teeth niya talaga. Puti puti!

Huminga ako ng malalim, "Ah eh paano ba?" Wala akong masabi!!!

Pinagpapawisan kaming dalawa. Ang traffic kasi!!! Amoy na amoy ko pabango at hininga niya. Oh noooo tukso, layuan mo ako! 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now