CHAPTER THIRTY SEVEN

227K 3.8K 758
                                    

 I texted Aisha, Katy, Lynne, and Ariza. Inaya ko sila lumabas. Pumayag naman sila except si Lynne kasi she's grounded. Si Aisha kasi, tulog na daw si Ryan and katabi ng lolo't lola niya ngayon. Ayaw pakawalan!

Si Katy naman, pinagpaalam ko. May tiwala kasi sa akin si Tita na hindi ko papabayaan si Katy. BTW, legal na silang dalawa ni Dylan. Lakas niya eh! Everyday, may pagkain siyang dinadala sa house nila Katy. Si Ariza naman, duuuuh, kahit hindi na yun magpaalam. Hahaha, seryoso.

Nagpaalam din pala ako kay mama at papa. Noong una, hindi ako pinayagan pero noong sinabi kong ngayon lang kami magbobonding nila Aisha and Katy, pinayagan naman ako. Ipapahatid na lang daw ako sa bahay nila Aisha tapos bahala na sila sa akin. Yup, overnight ako!!!

Pagkadating ko kila Aisha, nandoon na din si Ariza kaya lumabas na kami ng house. Marunong na nga palang mag drive si Aisha kaya gamit namin yung car ng parents niya. Nagpaalam naman siya na ako kasama niya so okay lang. Hehe! Sinundo namin si Katy after at nag pakita sa parents niya tapos pumunta na kami sa bagong bar na sinuggest ni Ariza.

Pag dating namin sa bar, as usual, madaming tao. Sanay ako sa parties dahil sa degree program ko, pero hindi ako umiinom. Nasabi ko na ba sa inyo na yung huling inom ko, 2 years ago pa? Noong time na nageemote ako at na-hospital pa ako dahil uminom ako ng madami. 

Bakit ko nga ba 'to naisipan?

Wala lang. Ayoko ko na kasi mag-isip. Masyado ng madaming nangyayari eh, sobrang nakakastress na din. 

*AISHA'S POINT OF VIEW*

"Table for four," I said. 

"Yes, ma'am," Sabi ng waiter at tinuro kung saan yung table namin. Napunta kami sa pinakagilid na couch. 

"I won't drink ah," Sabi ko at nag agree naman sila sa akin kasi ako magdadrive. Oo nga pala, I'm the only single mom here. Kasalanan mo 'to Drei eh. Minahal kita ng sobra sobra pero ginago mo din ako ng sobra sobra. Pero thank you na din dahil kung hindi dahil sayo, wala si Ryan kaya nevermind. Basta promise, pag laki ni Ryan, hindi siya magiging katulad mo. 

As if naman naririnig ako ni Drei. LOL!

"Uy Rylie, dahan dahan lang!!!" Pagkabigay kasi na pagkabigay ng tower, nag lagay agad siya sa shot glass at ininom. Hindi man lang nakipag-cheers. BTW, magkatabi ako at Ariza tapos si Katy at Rylie. Katapat ko si Rylie at katapat naman ni Ariza si Katy. Kanina pa nga nagtatalo yung dalawa na yan. Madaldal kasi si Katy, eh ayaw ni Ariza ng maingay. Haha!

"Sabik na sabik lang sa alak, girl?" Sabi naman ni Katy sa kanya na nakatulala kaya natawa ako. Tama si Rylie, parang si Katy yung dating Rylie. Well, until now naman, ganun pa din sa Ry pero ngayon kasi, kaya na niya sarili niya. Kahit wala siyang kasama, kaya na niyang ipagtanggol sarili niya. 

"Hayaan mo na Katy, nandito naman tayo for her," Sabi naman ni Ariza so Katy and I agreed with her. Kahit mataray naman si Ariza, I know she loves Rylie. Pakipot lang kasi! 

Alam kong madaming problema si Ry. Kahit matigas ulo niyan at madalas, bulag at bingi, nasasaktan yan. Hindi ko alam kung saan kasi okay naman na sila ni Justin, pero alam kong nasasaktan siya.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon