CHAPTER THIRTEEN

265K 3.9K 372
                                    

"Auntie Ry, you love Tito Justin?"

Infairness naman sa tanong ni Ryan, nawindang talaga ako. Eh kung ibalik ko kaya siya sa likod?! Hahahaha joke. Di ko kaya. Masyado siyang cute para i-bully kahit na binubully niya ako. Huhu! Lalo niya lang pinaawkward situation namin e.

"Ah uhmmm eh-" Sasagot na sana ako pero buti na lang nag salita si Justin.

"Rylie, gusto mong kumain muna? Baka nagugutom na din si Ryan e, kanina pa siya diyan." Sabi niya since malapit na rin naman kami sa stop over.

"Ah tama! Oo, let's eat."

"EAT, AUNTIE RY? YAY!!!" Tumatalon talon si Ryan sa lap ko eh ang chubby chubby niya kayaaa. OMG lang yung batang 'to. Kung hindi lang talaga siya cute. Haha! 

"Thank you," I mouthed kay Justin.

Tumango lang siya at lumiko na sa kaliwa para sa stopover.

Sht ang gwapo, tangnuuh.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng Manila ng hindi nagpapatayan. Joke lang, medyo bati naman ata kami. Hahaha! Anyway, buti na lang nandiyan si Baby Ryan, aliw na aliw tuloy ako. Kaso lalo lang umawkward dahil tatlong beses kaming napagkamalang tatay at nanay ni Ryan sa stopover. Puuuuu!

Nang nakarating kami sa hospital, pinuntahan ko agad si Papa. Si Justin naman at si Ryan, nasa labas ng room, nakaupo sa waiting area. Nakakandong si Ryan kay Justin, mukha nga silang mag tatay kasi mag kamukha sila. Sabi ko pumasok sila pero sabi ni Justin, okay na sila doon ni Ryan. Nasabik ata sa pamangkin. Haha!



"Anong nangyari?" Tanong ko kay Achi.



"He's okay now compared to his situation earlier," She smiled while holding Papa's hands.



I kissed Papa's cheeks, "Thank God," I said na parang nabunutan ng madaming tinik.



"Pero he's still unconscious. Hintayin na lang natin siya magising. Ninakaw kasi ng babae niya yung ibang mga pera niya at umalis kaya yan, inatake."



"Tsk, di lang pala lalaki ang manloloko no?" Binatukan niya ko.



"Kaya pala nandiyan si Tyler sa labas no?" Tumawa siya. Pang-inis talaga e. Haha! Tyler pa din pala tawag ni Achi kay Justin kasi nasanay siyang yun yung tawag ko sa kanya. Well, madami ng nagbago. Things have changed...



"He's there kasi you told me na magpadrive sa driver namin eh siya driver namin, epal. Isa pa, don't call him T." I rolled my eyes at natawa siya sa reaction ko. Magaling, magaling!



"Eh bakit may kasamang bata? Anak niyo?" Tanong ni Achi kaya nabatukan ko.



"Sira! Anak ni Aisha yun, si baby Ryan! Ughhhh, sarap mong sabunutan."



"Oh, okay." Ngumiti siya pero may meaning yung ngiti na yun. Grrrr, alam ko nasa isip niya ngayon. Feeling niya siguro, kami na ulit. Sorry pero no waaaay! Never again!!! Though di naman naging kami dati. Mehehe! Eh bakit may again? OMG, nababaliw na ko. -_-

Ilang sandali lang, lumabas na ako sa room kasi una, nilalamig ako. Pangalawa, kakamustahin ko lang naman si Ryan kasi baka you know, alam niyo naman kung sino yung nagbabantay diba? Delikado na, baka mapahamak si Ryan.

Nagulat na lang ako kasi tulog na silang dalawa. O___O

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon