CHAPTER THIRTY NINE

220K 3.4K 549
                                    

A/N: MALAPIT NA MATAPOOOOOOOOS, YAY!!!

Sobrang bilis ng panahon. December 1 na! Papalapit na ng papalapit yung play at sobrang kinakabahaaaaan talaga ako!!! When I say sobra, SOBRA talaga!

"I love you," Someone whispered habang nagaanswer ako ng seatwork namin sa math. Tengene nemen eh, di ako makapagconcentrate. Ang hina ko pa naman dito!

I looked at him and smiled, "I love... myself, too. Thank you!" I faked a smile and he pouted. Wow ah, lakas maka-pout. Hahaha!

"Justiiiin, nagcoconcentrate akoooo. Kailangan kong matutong mag solve ng problems alone, okay? Hindi naman lagi, nandiyan ka para turuan ako," Yung mga sinasabi ko, parang sinabi ko na dati. Kaso in this case, sa math na! "Sa exams naman, hindi mo ako pwede turuan. Hindi ko alam kung anong use nito when I work, but please..."

"Oo na, dami pang sinabi. I just told you I love you. Was that really bad?" He shook his head and gave me a piece of yellow paper.

"Ano 'to?" I asked.

"Just read," Utos niya kaya binasa ko naman. Wow nuxx! Binigyan niya ako ng guide para mas madaling maanswer yung pinapagawa sa amin. Palibhasa, tapos na kasi siya. Kainis! Kaso sa dulo, may nakasulat...

I love you.

"Pakshet!" I said then I heard him laugh. 

Ilang weeks na din simula noong malasing ako at nag confess ako ng nafifeel ko kay Justin. Haha! Wag kayong excited, hindi pa kami. LOL! Sa sobrang busy ko kasi dahil sa acads and extra curricular activities, parang wala na akong time para mag hanap ng evidence. Anyway, Josh texted me once so I replied once as well, pero after that, wala na.

Ang sabi lang niya sa text... 'Sorry.' So I asked kung bakit siya nagsosorry pero sadly, hindi na siya nag reply. Truth to be told, I miss him already. Well, of course, as a friend. He's my bestfriend, remember? He is or he was? Ughhh. I hate past tense. I hate it when someone important to me just fades away. But then again, that's life. This is life.

Moving on, kung ano yung kinakonti ng text ni Josh. Yun naman ang kinadami ng text ni Alexa. Almost everyday siya nagtetext sa akin pero pare-parehas lang naman yung laman. It's either magsosorry siya or gusto niyang makipag-usap. Ughh. Kung papayagan ko naman siyang makipag-usap, what would she say? Sorry na naman? 

Bzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzt.

Speaking of... Nag text na naman siya.

From: Alexa

Message: Rylie, we really need to talk. PLEASE! 

Pero kung hindi ko naman siya kakausapin, may mangyayari ba? Ang mabuti pa, kausapin ko na lang siya at tanungin kung nasaan yung complete video. Grr! Foine, I'll text her na! 

In fairness naman, mabilis siya mag reply. Yerp, magkikita na kami!

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon