CHAPTER TWENTY-SEVEN

268K 3.7K 385
                                    

"Rylie?" Tawag ni Justin kaya finold ko agad yung paper at tinago sa likod ko. Geez! Bakit may drawing ng mukha ko? Bakit nakatago sa drawer ni Dylan? But most of all, bakit ako dinrawing ni Dylan? He liked me, I know. LIKED! Pero si Katy na ngayon.

Baka naman nakalimutan lang niya itapon? Hayy, sana nga.

"A-ano?" Sagot ko. I'm still wearing his shirt.

Teka! Noong unang punta ko dito, may paper na nakita si Katy. Ito kaya yun? Kaya ba feeling ko ayaw ni Katy na dito ako matulog kasi makikita ko 'to? Pero may Katy na si Dylan!

"Okay ka lang?" Tanong ni Justin.

Tumango ako at lumapit siya sa akin, "Are you sure?"

Tumango ako, "Nahihilo lang ng konti." Well, half true naman yung sinabi ko. Medyo nahihilo naman talaga ako.

"Okay, kukuha lang ako ng gamot at shirt. Stay there."

"Okay," Yan lang sinabi ko. Mukhang na-weirdan siya sa akin kasi hindi ako nagalit sa kanya. Wag siyang mag-alala, mamaya. Humanda sila sa akin ni Josh. Ipapakita ko sa kanila yung video na magkatabi silang natutulog. :>

Sinuot ko na ulit yung skirt ko tapos dumating na siya dala yung gamot at shirt.

"How's Josh?" I asked.

He frowned, "Tulog pa." Nilagay niya sa drawer yung baso at binato ng mahina yung damit at gamot sa kama. "Drink your med and take a shower. Alam kong mahina ka uminom ng tubig kaya pag di mo yan inubos..." He smirked at umiling.

Sumimangot ako sa kanya, "Badass talaga." Sabi ko sa sarili ko na mukhang narinig naman niya kasi tumawa siya habang binubuksan yung pinto.

Tumingin siya sa akin, nakahawak pa din siya sa door knob habang papalabas na siya ng room ni Dylan...

"Thanks for last night, Ry. Bilisan mo na, I'll drive you home after," Sinabi niya bago siya umalis at sinara yung pinto.

I sighed at tiningnan ulit yung drawing. Akong ako talaga, e. Tsk! Tinago ko yung paper sa bag ko. Tatanungin ko talaga sya. Nakakacurious lang kasi hindi naman kami close ni Dylan dati. Sabi sa akin ni Katy dati, matagal na siyang may gusto sa akin. Nakilala ko siya noong nanood ako ng competition ng swimming dahil pinilit ako ni Katy na manood kami. Eh siya? Paano niya kaya ako nakilala?

I need to talk to him...

Sht, yung prohibited room!

Tapos na akong maligo at mag bihis. Si Justin, ewan ko kung nasaan. Bababa muna ako. Sorry, Dylan. Kailangan ko lang talagang i-check.

"Miss!" May tumawag sa akin habang pababa ako ng stairs. Hinead to foot niya ako...

Basa pa hair ko, suot ko shirt ni Justin tapos yung bandage skirt ko, nagmukhang maiksi dahil malaki shirt ni Justin. In fact, mukha akong walang suot na skirt.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon