CHAPTER FOURTEEN

259K 3.6K 334
                                    

"Ry, nagka-problem sa venue."

"Ate Rylie, pwede pa bang sumali sa singing guild? Yung friend ko kasi, kailangan niya talaga ng org ngayon. Pwede po ba? He's good, I swear."

"Guuuuys, nagawa niyo na ba yung paper? Hindi ko alam kung paano sisimulan! :'("

"Huhuhuhu! Nakapag-review ka na, Ry?"

and last but not the least...

"Uy Rylie, what happened? Okay ka lang ba? How's Tito?" -Katy

Hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa Pangasinan kasi kung hindi ako sumama doon, hindi kami magkikita ulit ni Aisha. Pero kasi, natambakan ako ng mga ginagawa!!! Yung party na inoorganize ko, yung play, mga paper works, projects, etc!!! Pwede bang chill muna? Mahina ang kalaban, geez!

"Hahatid na kita," Sabi ni Justin nang nakita niyang stressed na stressed na ko.

"Malapit lang yung bahay namin dito. Kaya ko mag tricycle," I rolled my eyes at lumabas na ng room pero sinundan ako ni Justin. Nandoon pa din sila mama at achi habang si Ryan naman, nakatulog na naman. Sobrang busog at likot kasi! 

Babalik din naman ako sa hospital e. Kukunin ko lang laptop ko and other stuff na kailangan ko para bukas. Ughhh ayoko na talaga! Wala na naman 'tong tulugan eh wala pa akong tulog simula noong umalis kami ng Pangasinan.

FYI, hindi pa ako masyadong magaling pero syempre ayoko na magpahalata. 

"Shet, wag mo kong sundan!"

"Gabi na!!! Tingnan mo naman yung suot mo," Sabay turo sa damit ko at tingin sa cleavage ko tangsht, "Mare-rape ka niyan kaya kung ako sa'yo, hahatid na kita." Manyak!

Hindi ba niya nakikita? Ayoko siya pag drive-in kasi alam kong pagod na pagod siya sa byahe. Hindi masayang mag drive pag sobrang layo ng pupuntahan mo at traffic pa!

"Tss ewan ko sayo," I rolled my eyes, again. Naglakad ako palabas ng hospital pero sinusundan lang niya ako. Sobrang seryoso ng face niya, err. Umiiling iling din siya minsan!

Gwapo. Ughhh!!!

"Ihahatid na kita sabi," Malapit na kasi kami sa paradahan ng tricycles.

"Ayoko nga sabi, ang kulit? Kung gusto mo, sumama ka pero wag na wag mo akong pipilitin sumakay sa kotse mo!" Siguro iniisip niyo, ang sungit sungit ko? Eh bakit ba!!! Stressed kaya ako! Grrr, sarap mangagat!

"Kuya, sa ***** lang po. Tuturo ko na lang po," Tumango yung tricycle driver at sumakay na din ako.

"Sht, bakit ka sumakay?!" Hinampas ko si Justin. Tinaasan niya lang ako ng kilay, "Sabi mo sumama ako kung gusto ko?"

Ughhhhhhhhhh! "Alis! WAIT LANG KUYA, WAG MO MUNANG PAPAANDARIN!" Tinulak ko siya pero hinawakan lang niya yung dalawang braso ko habang seryoso pa din mukha niya. Siya pa galit?! "Umalis ka nga dito," Nanghihina na ko kaya tumigil na ko kakatulak. Nakahawak pa din siya sa dalawang braso ko.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now