SPECIAL CHAPTER 2

349K 4.8K 1K
                                    

TRUST, FAITHFULNESS, AND HONESTY

It's been a year since I gave birth, but I still feel insecure. Sabi nila, hindi naman ako mukhang nanganak dahil ang payat ko pa rin at mas gumanda daw ako dahil nag-mature mukha ko, pero shocks, ang gaganda at tatalino kasi ng mga kaibigan ni Tyler na naglo-law din.

I've met them! Masyado silang mature, straight-forward, at matalino lalo na si Poala Sanchez, ang bestfriend ni Tyler sa law school na masungit. Hindi nila alam na may anak kami dahil hindi naman sila nag-tatanong. We never told them because we decided that we would live a normal life. Kaya nga akala ng iba, boyfriend ko pa lang siya.

"JUSTIN TYLER DELA CRUZ!" I shouted, we were both inside the car and he was driving. 

"What? Why are you shouting again?" He's still grumpy, though. Sana talaga hindi manahin ng anak niya pagiging masungit niya. Biruin niyo, noong buntis ako, parehas kaming masungit. Minsan, sobrang bait niya at minsan, pag hindi na niya kaya, makikita ko na lang siya na nanggigigil. But he was really caring, he still is.

"Magoovernight ka ba talaga bukas?" I sighed. 

"Ayaw mo ba?" He asked, looking at me intently while holding my left hand with his right hand. Yung left hand lang niya ginagamit madalas sa pagddrive dahil lagi siyang nakahawak sa kamay ko. Sinong clingy ulit? Nakakainis lang dahil kinikilig pa rin ako. Ugh, Tyler.

"Ehem, you're driving. Focus," Sabi ko, pero hinawakan ko pa rin ng mahigpit yung kamay niya na mas malambot pa sa kamay ko. Unfair, right? 

Tinanong niya ako kung ayaw ko, pero dahil sa tingin niya, wala akong nagawa. Pumayag ako na mag-overnight siya kahit wala akong tiwala sa mga kaibigan niyang lalaki. Nagllaw sila, pero ang gagago nila. Well, yung 'iba' lang naman. Yung 'iba' kasi, ginagawang stress-reliever ang pambababae. Okay lang naman uminom. Oh sige, okay na din mag smoke, pero geez. Kahit sila na lang, please. Wag nilang i-damay si Tyler.

Three days after his overnight, nalaman kong nilasing nila si Tyler tapos dinala nila siya sa isang place na may malaking aquarium na ang laman ay puro magagandang babae. P20,000 nga yung napunta sa kanya. I was really mad, though. May tiwala ako sa kanya, pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Hindi naman ako magagalit sa kanya.

"Tyler! Bakit hindi mo sinabing pinilit ka nila mangchicks? Kailangan ko pa ba 'yun malaman sa ibang tao? Why didn't you tell me? Akala ko ba no secrets? Akala ko ba magiging honest na tayo sa isa't isa? Ano, may nangyari ba sa inyo ng babae kaya hindi mo sinabi sa akin? 20,000 PESOS, REALLY?! Nandito naman ako. Sawa ka na ba?!" I pushed him. 

"Tell me when you're done talking," Sabi niya kaya nag-salita pa rin ako ng nag-salita. 

"P20,000 pesos, Justin! I am priceless."

Bigla siyang tumawa, "Alam mo hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis."

Seryoso mukha ko at naiinis ako. Mas lalo akong nainis dahil nagawa pa niyang tumawa, "AND?! BAKIT HINDI MO SINABI?!"

"Para saan? Para mag-selos ka ng ganyan?"

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now