CHAPTER FORTY THREE

241K 3.9K 498
                                    

A/N: FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

"Tyler?"

I saw him... He's smiling at me... Hindi ko alam kung nasaan kami, pero grabe, nasa Heaven na ba ko? Everything's white. Kahit siya, nakaputi. Ako lang ata yung hindi kasi suot ko pa din yung damit ko noong nangyari yung aksidente. Hanggang ngayon, may dugo pa din ni Tyler...

Tumakbo ako at yayakapin ko sana siya pero nag bago yung expression ng mukha niya at lumayo ng konti sa akin, "Tyler, may problema ba?" 

"Jamilah... Hindi pwede..."

"What do you mean 'hindi pwede'? Tyler, miss na miss na kita... Sobrang miss na kita..."

"Miss na miss na din kita. Mahal na mahal kita... Gusto na kitang hawakan, yakapin, halikan... Pero hindi pwede."

"B-bakit naman, T-Tyler? Kung kailan magkasama na tayo, kung kailan okay na tayo, hindi na naman tayo pwede? Bakit na naman?" Hahawakan ko sana siya pero lumayo na naman siya.

"Jamilah... from now on, I want you to move on,  and start smiling. Old Rylie man or new Rylie, you're still Rylie... I still love you..."

Pagkasabi niya nun, hindi ko na siya nakita. Sigaw ako ng sigaw pero he's gone. Takbo ako ng takbo para hanapin siya pero walang nangyayari sa akin.

Napapagod na ako...

"Rylie! Ano ba, gumising ka na oh! Please?" Narinig ko boses ni Achi then I realized it was just a bad dream. Buti na lang tangina. BUTI NA LANG! Kahit naka-aircon, pinagpapawisan ako. Hingal na hingal ako tapos basa na din dahil sa pawis at luha. 

"Tinakot mo ako, gago ka!" Sabi niya.

"Si Tyler?" Siya lang talaga nasa isip ko ngayon.

"Ayun, buhay pa. Eh ikaw? Nasaan ka na, Rylie? Seryoso, pinapatay mo ba sarili mo?" 

"I- I- of course not..."

"Kung hindi mo talaga pinapatay sarili mo, kumain ka, maligo, at kung anu ano pa. Hangga't di pa maayos utak mo, hindi ka pwedeng pumunta sa hospital. Maliwanag?"

Gusto kong tumanggi, pero tumango na lang ako. Hindi din naman ako mananalo.

Bago ako umuwi ng bahay, bumisita muna ako kay Tyler. Pinayagan naman ako nila mama kaya okay lang. Pag uwi ko, dumapa ako sa kama and buried myself in my pillow. Ang sikip ng dibdib ko. Naaalala ko na naman yung panaginip ko kanina, sana hindi magkatotoo. 

Umupo ako at chineck yung drawer ko. Nandito pa yung old phone ko...

Pumunta ako sa pictures at tiningnan pictures niya. Bakit ganun? Ibang iba yung smile niya dati sa smile niya recently? Dati, sobrang genuine. Ngayon, parang may halong sakit? Ako ba may gawa nun? Ughhhh. Ang bobo mo, Rylie! Tanga tanga mooo. Gaga ka!!!

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon