CHAPTER TWENTY

256K 3.7K 291
                                    

Tinawagan ako ni Josh pero noong tinanong ko sa kanya kung siya ang nag-bayad, hindi daw. Magkikita nga pala kami mamaya. Dinner lang daw kasi na-miss niya daw ako. Kasama din pala si Aisha kahit di niya alam na kasama siya. Ah basta! Isasama ko siya.

Grr. Si Justin kaya yung nag bayad? Pero bakit naman niya gagawin yun? Paano naman niya nalaman na may problema akong ganun? Narinig kaya niya sa hospital? Pero hindi eh! Bago kasi ako umalis doon, sabi ng may-ari ng venue, may kasamang babae. So kung si Justin nga yun at may kasamang babae... Ano naman pake ko???

I called Justin pero hindi na naman niya sinasagot yung phone niya. Bahala nga siya sa buhay niya! Siya na nga 'tong tinatawagan, siya pa may ganang di sumagot ng cellphone. Ano bang nangyayari sa buhay ko?! Puro Justin nasasabi ko... Eww! :3

Nag taxi na ako pabalik ng school kasi baka lang naman kailangan ako ng singing guild. Baka lang naman. Pag balik ko, nag sigawan sila. Kinulit na naman ako ni Lawrence at pinakanta na nila ako kaya umalis na din ako doon. Wala din naman kasi si Justin.

"Ay butiki," Nabangga ako sa isang matigas na pader... Malamang, may malambot bang pader? OMG!!! Nababaliw na akoooooooo~~~~~

LECHENG BUTIKI EXPRESSION. BA'T BUMALIK?! ANG TAGAL KONG SINABI SA SARILI KO NA WAG BABANGGITIN YUNG BUTIKI PAG NAGUGULAT E.

"Thinking of me?" Tanong ng pader.

Craaaaap! 

Pag tingin ko sa taas, nanliit ako. Hahaha! Joke. Pag tingin ko sa taas, si Justin pala yun! 

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Galit ka na naman?" Tanong niya at hinawakan ako sa magkabilang arms ko.

"Bat naman ako magagalit eh hindi ka lang naman sumasagot ng phone mo? Tss, joker ka talaga!" Nag fake laugh ako at umalis na. Tumawa siya at yinakap ako.

"OH MY GOD KA!" Tinulak ko siya kasi ang daming nakatingin!!! Hellooooo, nasa campus kami! Madami pang taoooooo!!! Madaaaaaaaaaaaami!!!

Tumawa na naman siya pero hindi siya natinag. Nakayakap pa din siya sa akin, "Ms. Butiki ka pa din pala. Tsk, ang payat mo pa din." Tinanggal niya pagkakayap niya at yung mga kamay niya nasa magkabilang braso ko na naman.

Dinikit niya bibig niya sa isang tenga ko, "Isa lang naman ang tumaba sayo."

BASTOOOOOS!

Minassage yung dalawang braso ko kaya kinilabutan ako!!!

O________________O

"Ang taba ng braso mo oh. Feeling mo naman..." Tinadyakan ko siya saka siya tumawa ng tumawa. Bad trip! Aalis na sana ako pero...

"OH. EM. GEE." 

Hinila ko si Justin at pinayuko. Nag tago kami sa halamanan...

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now