CHAPTER THIRTY FOUR

242K 3.7K 565
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

"Ate Ry, na-miss ka talaga namiiiiiiiiin!" Sabi ni Janine.

"Oo nga po ate," Sabi naman ni Jenine.

Oo, nandito ako sa bahay nila Janine at Jenine. And yes, nandito din mommy ni Justin. And yes, nandito din si Justin. Pumunta ako dito after ng class. Nandito lang naman talaga ako for Janine and Jenine kasi I promised them na babalik ako pero hindi ako nakabalik agad. Buti nga hindi sila nagagalit sa akin. BTW, dinalan ko din sila ng Mcdo para masaya.

After namin mag bonding na tatlo, tinawag naman ako nila Tita. 

"Anak, halika may papakita ako sayo," Nakangiti siya noong sinabi niya yun sa akin. Kamukha niya si Justin pero mas kamukha ni Justin yung dad niya. Yung kambal naman, mas kamukha si Tita.

"Ano po yun, tita?" I smiled din and umupo sa sofa, tabi ni Tita.

May hawak hawak siyang malaking photo album, nilipat sa 3rd page, at pinakita sa akin. Nagulat ako kasi buong page, pictures namin ni Justin noong bata pa kami. Grabeeee! Ang pangit ko talaga noong bata ako. Si Justin naman, super taba!

Natawa kaming dalawa ni Tita Carmina, "Tingnan mo ija, bata pa lang kayo ni Justin sobrang close niyo na. Akala ko nga never kayo magkakahiwalay."

"Kailangan ko po kasi talagang lumipat ng ibang school that time due to a family problem. Ayoko din po talagang lumipat sana pero wala naman po akong magagawa," I smiled sadly.

"Naiintindihan ko anak," She held my hands and smiled. "Alam mo bang naging close din kami ng parents mo dahil sa inyong dalawa? Pero after mong lumipat ng school, wala na din kaming balita sa kanila. Kaya kung malungkot si Justin, syempre malungkot din kami." Tumawa siya ng konti. Ang hinhin ni Tita pero ang kulit. Cutie! Hahaha!

"Pero wala pa din tatalo sa lungkot ng anak ko na yun. May oras, ayaw niyang kumain. Pag tinanong naman namin kung bakit, ang sasabihin lang niya, gusto ka niyang kasamang kumain. May ilang beses pa, habang natutulog siya, bigla na lang siyang umiiyak. Gigisingin namin siya tapos puro TJ ang lalabas sa bibig niya. Lagi ka niyang hinahanap. Ikaw lang ang kaibigan niya eh, kayong dalawa lang ang mag kasama. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya ganun. Buti nga mabait na bata si Christian. Lagi siyang nandiyan kahit di siya kinakausap ni Justin."

Wala akong masabi. Bakit ganito? Bata pa naman kami nun eh pero ang sakit. Ang sakit malaman na nagkakaganoon siya ng dahil sa akin.

"Kaso last last year and last year, nakikita ko naman yung Justin na yun. Dahil sa kanya, lagi kaming umuuwi from States. Akala namin, siya ang magaalaga sa mga kapatid niya, pero kabaliktaran pa ang nangyari. Ayaw niyang kumain pero pag tinanong siya kung bakit, wala siyang sasabihin. Palagi siyang nasa labas. Minsan pa nga, uuwi siya with bruises and wounds. Pag tinanong naman namin kung saan galing yun, iiling lang siya at didiresto ng kwarto. Lumala ng lumala hanggang sa halos araw araw, naglalasing siya. Hindi na nga namin kinaya ng Tito Jimmy mo kaya we got mad and transferred him sa ibang school. Hindi nag tagal, naging okay na siya. Pero alam mo ba-"

"MA!" Sigaw ni Justin, nasa stairs siya. Nag lakad siya papunta sa amin. Hindi ko siya kayang tingnan, "Ano na naman kinikwento mo kay Rylie?"

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now