CHAPTER TWENTY-NINE

235K 3.5K 340
                                    

"What really happened, Justin? I'll listen to you na. Just don't expect me to believe everything." Nandito kami ngayon sa sofa ng starbucks. Magkatabi kami, pero hindi magkadikit. Haha! Syempre no, we need space. Nuxx!

He nodded with a serious face, "Expected ko naman na hindi ka talaga maniniwala sa lahat, but at least..." He shrugged.

"Okay, game," Huminga ako ng malalim. Woo! Nakakastress //3

"Paano ko ba sisimulan?" Natawa siya, "Sa daming beses ko ng ineexplain sayo 'to, di ko na alam kung paano ko sisimulan."

I pouted. Oo na. Kasalanan ko naaa. Pachixx kasi ako eh bakit ba. Tss! Hahahaha! EH SA NATATAKOT EH!

"Naalala mo ba noong nag-usap tayo sa rooftop ng condo ni Josh after mo makipagblind date?" Tulu tuloy niyang sinabi.

Hinampas ko siya, "KAILANGAN PA BA-" Tinakpan niya bibig ko.

"Shhhhh. Ingay mo pa din," Sabi niya.

Tinanggal na niya yung kamay niya at huminga ako ng malalalim, "Kailangan pa bang ipaalala yun?" I said, more like whispered.

Natawa na naman siya, "Nevermind. So naaalala mo nga. Hmm, it was the time I found out kung bakit ka nagkakaganyan."

"Nagkakaganito?"

"Yup, sobrang bitter mo at sobrang hater kita."

"Kasi naman... Why did you say that? I mean, I know know naman na clumsy ako, na careless ako, ulyanin, ganun. Pero bakit mo pa yun kailangan sabihin? Okay lang naman na sabihin mo sa akin, pero bakit sa ibang tao pa? Ang lumalabas kasi, you said those things because you didn't like me. Na you just courted me, because of a dare. Na napilitan ka lang."

Huminga siya ng malalim. Nagsisimula na naman mag flashback yung video, fudge. Control yourself, Rylie. Control. You need to listen to him, remember?

"Ry, sino nagpakita sayo ng video?"

"W-why do you want to know?"

"Kahit kailan ba, hindi mo ba tinanong muna kung bakit ako may video? Kung sino nag video? Kung may katuloy ba yun? Kung bakit ko sinabi yun? Bakit ko nga ba sasabihin na clumsy ka sa ibang tao? Para siraan ka? FYI, alam ng lahat na clumsy ka, hindi ko na yun kailangan sabihin. Rylie, ganoon ba kababaw tingin mo sa akin? I mean, gets kong madaming lumoko sayo, pero ni minsan ba, pinaniwalaan mo ako?"

"Oo, dati. Pinaniwalaan kita... dati. Pero after ng video... parang lahat ng sinabi mo, ng ginawa mo, parang lahat yun, dahil lang sa pustahan. You had no choice but to court me. Gets?" I bit my lower lip at naisip ko yung mga ginawa niya sa akin dati na hindi ko na masyadong maalala.

Kinantahan niya ako sa bar, nag mukha siyang alalay, lagi niyang pinapataas self-confidence ko. Sapat na ba yun para sabihin na may gusto sayo ang isang tao? Oo nga naman, mageeffort ba siya ng ganun kung hindi niya talaga ako gusto?

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now