CHAPTER THIRTY EIGHT

232K 3.8K 489
                                    

A/N: I dedicate this chapter to her kasi super natouch ako sa message niya. Huhu, okay. BTW, ang dami pong nagpapadedic kaya sorry po sa mga nasabihan kong idededicate ko sila. Hindi ko na po alam kung sinu sino kayooo, soooorry! :(

6:00 AM

"Rylie, okay lang yaaan. Labas na kasi," Sabi ni Katy pero alam kong hindi okay. Naghihintay nga pala si Justin sa labas. Nandito kami ngayong lahat sa bahay ni Aisha, nag overnight kami.

"Oo nga, Rylie. O-o-okay lang- HAHAHAHAHA!" Tumawa ng tumawa si Aisha. Hindi siya nagsstutter, natatawa siya. Bad trip 'to! 

"Ry, to be honest, nakakahiya ka. Pero okay lang yan, mahal ka pa din ni Justin," Sabi naman ni Ariza. Buti pa 'tong si Ariza, kahit ang pangit ng pagkakasabi niya na nakakahiya ako, pinapagaan loob ko. EH SI AISHA? Simula pag gising ko, niloloko na ako!!!

Nakapalibot nga pala silang tatlo sila sa akin habang ako, nasa kama, "Ayoko ngaaa, ang kulit niyo baaa? Ughhh..." Binalot ko ulit sarili ko sa kumot. Bahala sila, matutulog muna ako! Madami pa akong spots eh. Allergic nga kasi ako sa alak, diba?! Uminom kasi ako at nagpakalasing para sa wala. Grrr. 

"So hindi ka na papasok?" Tanong ni Aisha. May pasok pa kasi ako ngayon eh. Tuesday pa lang kaya! Pero dahil sa spots ko, nevermind. Ngayon lang naman ako aabsent. Sobrang good student ko kaya! I don't cut my classes kahit tamad na tamad ako... NGAYON LANG! 

Tinanggal ko yung kumot sa ulo ko and shook my head, "Obvious ba?" PInakita ko yung mga spots ko.

"Hindi naman halata eh! Anyway..." Aisha sighed, "Fine. Hindi na rin ako papasok. Katy, Ariza, pumasok na kayo. Walang kasama si Rylie eh-"

"NO! Aisha naman eh. Pumasok na kayong tatlo, okay lang ako. Hindi naman ako mamamatay dito mag-isa," I smiled tapos bigla na lang may pumasok sa kwarto kaya binalot ko ulit sarili ko sa kumot.

Oh God, paano ko ba siya titingnan? Ayoko siya makita. NOT NOW! Not after kong maalala mga pinagagawa ko kagabi. Oo, naalala ko. Hindi naman kasi ako SOBRANG lasing to the point na mamamatay na ako dahil allergic nga ako sa alak. Excuse me, ayoko pa mamatay. Pero ngayon, para gusto ko na. HIYANG HIYA AKO!!!

"Ako na lang magbabantay sa kanya, pumasok na kayo," Sabi ni Justin. 

"Okay!" Mabilis na sagot nilang tatlo. Nafifeel kong nakangisi sila, bad trip!

"Ikaw na bahala diyan Justin ah! Bye," Sabi ni Katy tapos nag bye na silang lahat. Pati sa akin, nag bye sila pero hindi ko sila pinansin. Narinig kong sumara yung pinto. OH. EM. GEE.

Magtutulug-tulugan na lang ako. Ge!

"Wag ka ng mag tago. Ngayon ka pa ba mahihiya?" Nararamdaman kong papalapit na siya sa akin. Yung tibok ng puso, times ten!!! Craaaaaap.

"Ry?" Pumikit ako at nagtulug-tulugan na. Anytime, pwede niyang alisin yung kumot ko.

"Jamilah..." Nasa tabi ko na siya, alam ko!!! He slowly removed my blanket.

Tumagilid naman ako at yinakap yung unan ko. Yung mukha niya, nafeel kong lumapit sa mukha ko. Pakshet na malagket!

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now