CHAPTER ELEVEN

270K 3.8K 175
                                    

"Huy huy huy! Justin! Gumising ka! Hindi mo 'to kwarto!" 

Lumuhod ako sa kama tapos humarap ako sakanya...

"Juuuuustin!" Mahina lang yung sigaw ko kasi baka kung ano isipin nila. Kahit sino naman kasi, pag nakakita ng isang lalaki't babae sa isang kwarto tapos magkatabi sa kama, iba iisipin. 

Inalog alog ko siya tapos humiga siya sa lap ko. Bwisit 'to. Hindi porket gwap- uhh, nevermind. Naiinis pa din ako sakanya! Ughhh. Naalala ko na naman yung video na nakita ko. Naalala ko na naman nung naospital ako at nakita ko siyang binabantayan si Alexa. Naalala ko na naman nung magkasama sila ni Janilyn at hindi siya naniwala na ako si TJ. 

Ang isip bata ko pero...

Bumalik lahat ng sakit.

Ano pa nga ba magagawa ko?

"Kung ayaw mo umalis, ako ang aalis!"

Aalisin ko sana ulo niya sa lap ko para lumipat na lang sa- hindi naman pwede sa kabilang kwarto kasi baka magtaka sila kung bakit nasa kwarto ako nila Justin at Josh. Hayy, kung pwede lang sa labas matulog. Anyway, aalis na sana pero ikinagulat ko yung ginawa niya kaya para akong naparalyze for 5 minutes... ANG OA! Yinakap lang naman niya ako.

*sampal*

Oo, nasampal ko siya. Bakit ba, dinidepensahan ko lang naman sarili ko ah. Self-defense lang naman 'to. Nagising siya sa ginawa ko at parang nagtataka kung sino yung sumampal sakanya. 


Nagulat yata siya at lumuhod din. So bale, magkatapat kami ngayon at magkaparehas kami ng posisyon.

Tiningnan niya ako ng masama. 

Dapat ba akong matakot? Naaaah. Nagaral yata ako ng taekwando. Excuse me?!

Nakaluhod pa din ako. Tiningnan ko na lang din siya ng masama. Oh pleeaase. Ano 'to, pasamaan ng titig?

"Kung binabalak mong makipagtitigan, aalis na lang ako. Sheesh. Ayoko aksayahin yung oras ko sa taong katulad mo. Pathetic jerk." Sorry, hindi ko din alam kung bakit at paano ko nasabi yun. Kusa na lang lumabas sa bibig ko. 

Ewan ko. Minsan talaga, may mga bagay tayong nasasabi na hindi naman natin sinasadya at hindi naman talaga yun yung gusto nating sabihin. 

Sobrang sakit lang siguro ng ulo ko tapos nagising pa ko dahil sa kanya. Baka sakanya ko lang nabuhos lahat lahat. Okay naman kasi kami kanina e. Hay ewan! Bahala siya, kasalanan naman niya e. And who cares kung magalit siya sa akin?! Ang kapal ng mukha niyaaa.


Nag smirk lang siya kaya lalo akong nabwisit. 

I rolled my eyes. 

Aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita...

"Dito ka lang..." Huh? "Please...Jmailah" Hinwakan niyo kamay ko. Sht, Jamilah? Really? Forbidden name ko yan simula ng lokohin niya ko.

Me:  *taas kilay*

Ano problema ng alien na 'to? Uminom lang, nagkaganito na? Una, pumasok siya sa kwarto namin ni Katy. Pangalawa, tumabi siya sakin. Pangatlo, yinakap niya ko. Pangapat, humiga siya sa lap ko. Panglima, tinawag niya akong Jamilah. Panganim, tiningnan niya ako ng masama. Pangpito, pagkatapos ko siyang pagsabihan ng masama, nagawa pa niya magsmirk. Pangwalo, hinawakan niya kamay ko. Pangsiyam, sinasabihan niya ako na wag umalis.

Pangsampu, tumulo luha niya.

Nasaktan yata siya sa sinabi ko...

"T-T-Tyler? Bakit ka umiiyak?" 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon