CHAPTER NINE

291K 4.1K 546
                                    

Gumising na kami ng sobrang aga at kumain. Iniisip ko pa din yung nangyari sa akin kanina. Nyay! Ako na yata ang pinakaweirdo at pinakamalilimuting tao sa planetang mars. Naloloka na ko T____T

"Rylie, ano ba kasi nangyari kaninang maga? Bakit kayo magkasama ni Josh? Kayo haa!" Biglang sinabi ni Katy habang kumakain kami.

"H-h-ha? Ehh." 

"Totoo ba yun Rylie?" Tanong ni Dylan. 

"Oo pero hindi ko din alam kung ano nangyari..."

Hindi ko naman kasi talaga maalala. T___T

"Hay nako, di ka pa din nagbabago. Guys, alam niyo ba pag pagod, may sakit, puyat, or lasing si Rylie, nakakalimutan niya yung ginawa or ginagawa niya." Sabi ni Aish. 

"Oooooh. Nagsasalita din siya habang natutulog e." Katy added.

"Shhhhhhh." Grabe, ilaglag niyo ko! Mga kaibigan ko kayo e. Diba? Ganyan ang kaibigan, nanlalaglag -___-  Daig pa aborsyonista!

"Sumasagot pa nga yan kahit tulog e. Hahahaha!" Nagtawanan sila.

"Anong trip niyo? -__-"

"Ang cute mo talaga Ryliebabes, bagay na bagay tayo!" Sabi ni Dylan kaya binatukan siya ni Katy, "Tumigil ka nga Dylan!" Hahaha! Ayan na naman silang dalawa.


"Justin, kain ka oh." Sabi ni Katy. Napatingin sa akin si Justin habang sinasandukan siya ni Katy ng pagkain. Sht naman! Ano problema nito? Napatingin din tuloy sa akin si Katy. 

"Justin, may problema ba?" Tanong ni Katy sa kanya. OMG, alam na kaya niya? Wag naman sana. Please lang, sana wag.

"Wala naman. Thank you!" He kissed Katy's forehead. PDA! Nagulat ako at napatingin kay Josh na nakatingin din sa akin. Whuuuuut?!

Ngumiti lang siya sa akin, "Rylie, kumain ka ng mabuti. Tignan mo, sobrang pale mo na. Okay ka lang ba?" Sabi ni Josh. Ang sweet talaga ng lalaking 'to.

"Okay lang ako. Thank you." I smiled tapos tiningnan ko silang lahat excluding Justin. Hindi ko siya pwedeng tingnan. Mapanganib! 

Sobrang tahimik lahat. Anong klaseng awkwardness 'to? <///3

"Guys, volleyball tayo mamaya!" Christian broke the silence.

"Boating muna hanggang maaga pa." Suggest ng girlfriend niyang si Ariza.

"Itong lovers na 'to! Pag umpugin ko kayo e." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Lynne. Hahahaha! Bitter lang ang peg 'te? 

"Inggit ka lang eh." Biglang sinabi ni Brylle na ikinagulat naming lahat. Hahaha! Inirapan lang siya ni Lynne, "Whatever" Hahahaha! Ewan ko pero natatawa ako. 

Nagpunta na kami sa hundred islands. Pinuntahan namin yung may cave apos magddive ka sa mataas na cliff sa loob nun. Gusto ko nga kaso lang, nahihilo ako pati takot nga ako sa heights diba?

"Rylie, sige na sabay tayo!" Pinipilit ako ni Dylan na mag dive kasama siya. 

"Ayoko talaga Dylan. Ikaw na lang." Matamlay kong sabi.

"Sige na pleeaase?"

"Wag mong pilitin kung ayaw niya." Biglang sinabi ni Justin. Hindi ko siya tiningnan. Hindi din ako nag react. Nag picture picture na lang ako gamit yung SLR na nakasabit sa leeg ko. Ang pinagtataka ko, kami lang ni Justin yung hindi nag dive. Ayoko ng itanong sakanya kung bakit di siya nag dive kasi di naman kami close. Tse, wag na kayong mag react diyan.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now