CHAPTER TWENTY-THREE

278K 3.7K 661
                                    

"Justin, ano baaaa!" Tawag ko. Huhu, ano ba!!!

Ihing ihi na ako, promise!!!

"Don't call me Justin," Hinihila pa din niya ako.

"Huuuh? Diba ayaw mo naman ng Tyler?" Tumawa ako pero naiihi na talaga ako! Hindi na siya nag salita. Woot! Hahaha, naalala kong ako lang pala ang pwedeng tumawag sa kanya ng Tyler dati.

EL OW EL.

Kikiligin na ba ako? O___O

Nakarating na kami sa kwarto niya na nasa pinakadulo. Mwahaha! Pinaka na nga, dulo pa? LOL! Apat kasi ang kwarto dito and dulo yung sa kanya. Nasabi ko na ito dati pero sinabi ko ulit kasi baka di niyo na naaalala. Paulit ulit ako, sorry. DULO kasi! Malayo sa kabihasnan. 

Okay, hindi ako nag-iisip ng kakaiba, okay?!

Ni-lock niya yung room. Whoaa, ang lamig sa kwarto niya. Siguro kanina pa siya dito? Tsk, sayang kuryente. Ang gulo din kasi ng bed sheet. Haha! At naka-sando siya ngayon, wag ka!!! Yung totoo, balat kalabaw ba siya? 

"K-kailan pa naging CR kwarto mo?" Tanong ko.

"Josh, Lawrence, Dylan, and other boys out there..."

"Huh?" O__________O

"Alam kong madaming nagkakagusto sayo dati pero ngayon, bakit parang... mas lalong dumadami?" Umiling iling siya tapos binrush niya yung hair niya using her hands.

"Kasalanan ko bang maganda ako dati at mas lalo akong gumaganda ngayon?" Sabi ko na nakahawak sa puson ko. IHING IHI NA AKO!!!

He smirked, "Nag-bago ka na nga talaga..."

Tumingin siya sa isang side na parang malungkot...

"Yerp!!!" I am proud.

Pero tumingin siya sa akin ng malalim at nag-lakad ng dahan dahan...

"B-b-ba-bakit?" Nagsstutter na ko halaaaa. Delikado 'to!!!

Umatras ako pero naglalakad pa din siya. Alam ko 'to!!! Nakita ko na 'to sa mga pelikula, nabasa ko na 'to sa mga love stories, napanood ko na 'to!!! Naexperience ko na 'to noong nasa Pangasinan kami. Huhuhu! Weakness kooo...

He hugged me.

Napa "huh" na lang ako. Hahahaha! 

Yinakap pa niya ako ng mas mahigpit, "Pwede bang bumalik ka na lang sa dati? I know I'm selfish pero pwede bang bumalik ka na lang sa dati?"

"Uy, ano bang pinagsasabi mo diyan? Yung pantog ko," SASABOG NA!

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now