[CHAPTER ONE] Accepting...

152K 1.8K 166
                                    

            Nakatulala akong naglalakad habang iniisip ang mga narinig ko kanina lang. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa ibang tao na malapit sa ‘kin. Ano na lang sasabihin nila kapag nalaman nila ito? Ano na lang ang mararamdaman nila?

            Binuksan ko ang envelope na kanina ko pang hawak na ibinigay sa ‘kin ng doktor. Binasa kong muli ang laman nun.

            Positive. Napailing ako. “Ano ka ba Midori, wala ‘yan. Okay lang ‘yan. Ganyan talaga. Bata ka pa naman eh. Everything’s fine, Midori.”

            “Midori!”

            Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin mula sa likuran ko. Lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako. Siguro, alam na rin niya. “Jane,”

            “Midori,” narinig kong umiiyak na siya kaya’t humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya para pahiin ang mga luha niya.

           

            “Ano ka ba? Para kang bakla diyan. ‘Wag ka ngang umiyak. Nauna ka pang mag-drama kesa sa ‘kin eh. Okay lang ako.”

            “Hindi ka okay.” Pilit ko siyang nginitian. Sya si Philippe Jan Lim, girlfriend ng kuya ko ang kapatid niya. Sabi niya, ang basa daw sa pangalan niya ay ‘Jane’ at hindi ‘Jan’. At kung bakit panlalaki ang pangalan niya, iyon ay dahil sa akala ng nanay niya noong ipinanganak siya ay lalaki siya. Bestfriend ko siya simula pa noong high school hanggang ngayon.

            “Sasabihin mo ba sa kanila?”

            Sinapok ko siya nang mahina. “Gaga! Syempre naman sasabihin ko. Pwede ba namang hindi?”

            Sinapok din naman niya ako. “Gaga ka din! Tatawa-tawa ka pa diyan eh ganyan na nga ang kondisyon mo.”

            Lalo akong napatawa. Mahal na mahal ko kasi si Jane. Isa kasi siya sa tatlong kaibigan ko. Hindi naman sa dahil hindi ako friendly pero kasi… walang lumalapit sa ‘kin masyado noon. Kung meron man, hindi ganoong katagal. Palagi kasi akong nahihilo. Ayaw nilang mapag-abutan ng pagkahimatay ko kaya nilalayuan nila ako. At ito nga lang si Jane ang isa sa mga natirang hindi lumalayo sa ‘kin.

            “Sige na. May trabaho ka pa. Mauna na ko.”

            “Teka, baka kung mapano ka pa pag-uwi mo. Ipasundo na kaya kita kay Ate? Nandito lang din naman yun. O kung gusto mo mag-out ako nang madali para--”

            “Jane,” pagpigil ko sa kanya. “Kaya ko ‘to. Bumalik ka na sa ginagawa mo.”

            “Sure ka ha?”

            “Sure na sure!”

            “Sige, goodbye Bessie! I love you!” niyakap niya ako bago siya tuluyang umalis.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon