[CHAPTER SIX] Because there is...

85.9K 1K 64
                                    

Chapter Six

--Because there is one being destined for you.--

           “Kuya Avril, Ate Flip… making kayo.”

          Huminga ako nang malalim bago simulan ang mga sasabihin ko. Kagabi pa ako naghanda para dito. Inihanda ko na ang sarili ko par ahindi ako mayak ngayon. Ayokong magpakita ng kahit anong senyales ng kahinaan sa kanila. Alam ko sa sarili kong mahirap maka-survive sa isang malalang sakit. Pero ayokong panghinaan ng loob ang mga taong nagmamahal sa’kin.

          “Una, ngayon pa lang… Congratulations na! Masaya ako dahil ikakasal na kayo. Kuya, ingatan mo si Ate Flip ha? ‘Wag na ‘wag mo siyang paiiyakin. Isipin mo, ‘pag pinaiyak mo siya, para mo na ring pinaiyak si Midori at si Jane.”

          Tumingin naman ako kay Ate Flip at hinawakan ko ang kamay niya. “Ate Flip, ingatan mo din si Kuya ko ha? Mahal na mahal ko ‘yan! Mabait ‘yan! Saka alam mo ba, pinaghirapan ka talaga niyang makuha. Kung naaalala mo, nabasag yung bintana ng kwarto mo… Sorry ha. Kami ni Kuya ang bumato nun. Yun yung panahon na nagalit ka sa kanya. Kaya naman pinuntahan ka namin sa bahay niyo para lang mag-sorry kahit malalim na ang gabi at kahit takot si kuya Avril sa aso niyong si Pocholo kaso… Ayun nga… Nabasag yung bintana mo. Hehe, sorry Ate Flip.”

          Huminga ulit ako nang malalim. “Ka—”

          “Teka nga, Midang.” Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Kuya. Napangiti naman ako. Iyong ‘Midang’ kasi ay panlokong pangalan niya sa akin nung mga bata pa kami. “ANo ba talaga ‘yang sasabihin mo at ang haba pa ng speech mo?”

          “Kuya, Ate Flip… masaya naman kayo ‘di ba? Kahit wala ako sa inyo… kaya ko namang alagaan ang sarili ko eh! Promise! Saka sasamahan naman ako ni Jane eh,”

          ‘Midori, there’s bitterness in your tone. You don’t want to be away from your Kuya Avril, do you?” nag-aalalang tanong ni Ate Flip.

          Mabilis naman akong umiling. “Naku! Ate, ano ka ba? Masaya ako kasi ikakasal na kayo! Kahit si Kuya ay malalayo na sa ‘kin, okay lang! Bet na bet ko ang love team niyo eh!”

          “So… ano nga ba ang gusto mong sabihin?”

          “A… M…. May…. May brain cancer ako.”

******

          “Hoy, de la Fuente! Ang lakas ng loob mong matulog dito! Samantalang kanina ka pa naming hinahanap para sa practice!”

                     

          “Tsk, ano ba?” Inalis ko ang unan na inihagis sa ‘kin ni Heart.

          “Bumangon ka dyan! Argh! Kakainin kita diyan eh.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant