[CHAPTER EIGHT - 2] Words...

77.7K 826 33
                                    

Chapter Eight Part Two

--Words left unspoken--

          "Words... they are as vast and as endless as the universe. Ang salita, parang paghigop lang 'yan ng kape. Kung alam mong mainit ang inilagay mong tubig, palilipasin mo muna ng konti, bago mo higupin. Pero kung ikaw yung tipo ng taong nakikipag-chismisan habang naglalagay ng tubig sa kape, hindi mo alam kung anong tubig ba ang inilagay mo. Mainit ba? O maligamgam? At pag-inom mo... Boom!" napaatras kaming lahat sa gulat. "Magugulat ka na lang."

          Nagtaas na kamay ang isa kong kaklase. "Pero Sir, hindi po ba kapag iinom ka ng kape, syempre, hahawakan mo yung tasa. Doon pa lang malalaman mo na kung mainit o hindi."

          "Hmm," mahinhing tumawa si Sir Red. "Hindi ba't sa hawakan ng tasa ka humahawak kapag umiinom ka ng kape? Dahil iniisip mong mainit ang kape kaya't mainit din ang katawan ng tasa. Ayaw mong mapaso. Natatakot kang mapaso..."

          Napapikit ako. Ang kape daw ay parang salita.

          Napamulat ulit ako. "Walang kwenta."

          Naglingunan lahat sa akin ang mga kaklase ko at maging si Sir Red.

          "Walang kwenta. Paano maikukumpara ang salita sa kape? Words are so precious. You can never compare them to something as simple as a coffee. I'm sorry, Sir Red. But I found it just... nonsense."

          Nagulat na lang ako nang sa halip na magalit ay tumawa pa si Sir Red. "How could you be that smart, Mr. de la Fuente? I thought you are wise." Muling hinarap ni Sir ang klase. "Sige na, hindi na ako magda-drama dito sa unahan. Hindi niyo yata naiintindihan ang relasyon ng sinasabi ko. Kung bakit ko ito sinasabi, yun ay dahil kayo ay gagawa ng sarili niyong komposisyon."

          Nagkaroon agad ng komosyon kahit hindi pa man tapos magsalita si Sir Red.

          "Kayo ay gagawa ng sarili niyong komposisyon," pagpapatuloy niya. "Tungkol sa kape."

          Natigilan kaming lahat at matamang nakatingin sa kanya. Kape? Anong saysay naman ng paggawa na kanta na tungkol sa kape?

          Pero sa kabila ng mga kakaibang tingin namin, tumawa lang ulit si Sir Red. "Looks can kill. Simula nang magturo ako, wala pa yata akong batang nakita na natuwa sa activity an ito. But I won't change this. Ang advice ko lang, make your self special. Maging kompositor kayo ng awit. Class dismiss."

          Lumabas si Sir Red ng classroom pero kaming lahat ay nakaupo pa rin. Lahat kami ay may tanong sa mga isip namin. Katulad na lang ng mga huling sinabi ni Sir Red at katulad na rin lang ng pagggawa ng komposisyon tungkol sa kape. Walang kumikibo. Nang biglang lahat sila ay tumingin sa akin. Parang iba yata ang pinoproblema ng mga kaklase ko.

          "Oh... Ano naman 'yang tingin niyo!" na-aalarmang tanong ko.

          "Maisen, kasalanan mo 'to. Nagalit yata si Sir. Yan tuloy, pinag-compose niya tayo ng kanta tungkol sa kape," pangongonsensya sa 'kin ni Dia.

          "Oo nga," dagdag pa ni Airus. "Isipin mo nga. Napakawalang kwentang activity naman nito. First time nga nating magco-compose this year tapos tungkol pa sa kape."

          "Napakagaling kayang teacher ni Sir Red. Dati, super exciting ng mga pinapagawa niya. Kaya siguradong pinagawa niya lang 'to sa 'tin kasi na-bad trip siya kay Maisen," dagdag pa ng isa ko pang kaklase.

          "Hindi niyo ba narinig? Matagal na niya 'tong pinapagawa sa mga tinuturuan niya. Aish... Makaalis na nga." Tumayo na ko at lumabas ng classroom.

          Inalog-alog ko ang ulo ko at kinisap-kisap ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay lipad pa rin ang isip ko. Pakiramdam ko may gusto akong gawin pero hindi ko magawa. May gusto akong makita pero hindi ko makita. 'Yan tuloy, hindi ko naintindihan ang relasyon ng salita sa kape. Nasisi pa ako ng mga kaklase ko. Isa lang ang may kasalanan nito. Yung cholesterol na nakabara sa puso ko.

          "Betty... Betty..." Kung alam mo lang ang ginawa mo sa 'kin. Simula nang makilala kita, nawalan na ko ng gana sa kahit sinong babae. At dahil doon, hindi na nila ako masyadong nilalapitan, hindi katulad noon. Nang dahil sa'yo parang nagiging ibang tao ako.

          "Maisen!"

          Natauhan ako nang biglang narinig ko ang boses ng isang babaeng tumawag sa 'kin.

          "Maisen..." muli niyang tawag sa 'kin nang magtama ang mga mata namin.

          Natigilan na lang ako. Hindi ako makaalis sa pwesto ko. Totoo ba itong nakikita ko?

          "Maisen..." Nagtatakbo siya palapit sa akin at niyakap niya ako. "Maisen, saan ka ba nanggaling? Alam mo bang hinhanap kita? Sorry kung iniwan kita nung panahon yun. Pero Maisen, nandito na ako kasi gusto talaga kitang makita. Maisen..."

          Hindi ako nagsalita dahil hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa nakikita ko. Kung panaginip 'to, pwedeng pakigising ako.

          "Maisen... mahal kita."

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now