[CHAPTER FOURTEEN] Why...

70K 791 42
                                    

Chapter Fourteen

--Why do you have to do this to me?--

          Nagkakagulo ang lahat. Masaya silang lahat. Pero ako, hindi. Dahil kahit ano pang sabihin ko… Ipagpilitan ko mang ayaw ko na sa kanya. Hindi ko naman siya maalis sa isip ko.

          “I Have Found You! I Have Found You!” paulit-ulit na sigawan ng mga tao. Katatapos lang ng isa naming kanta at may mga nakalinya na kaming i-pe-perform para sa concert na ito pero hindi namin matanggihan ang request ng mga fans kaya naman tinugtuog na namin ang I Have Found You.

          Seryoso lang ako habang tinutugtog ang gitara ko. Nagkakagulo ang lahat dahil sa kanta. Lahat sila nakikisabay. Pero may isang taong nakaagaw ng atensyon ko.

          Napatigil ako sa pagtugtog nang mapatapat sa kanya ang spotlight. Nakapikit siya at sumasabay sa kanta. Pero kahit pa may kalayuan siya mula sa akin, alam kong hindi ako nagkakamali. Siya nga yun.

          Nagtataka ang mga tao nang tumigil ako sa pagtugtog ng rhythm guitar. Naging kasunod rin noon ang isa-isang pagtigil ng tugtog ng mga kasama ko sa banda. Maging sila ay nagtataka kung bakit ako tumigil bigla. Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. Sa pagkakataong ito, wala na akong pakialam pa sa paligid ko. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito. Hindi ko pwedeng palampasin ang oras na ito kung saan pwede ko na siyang makasama ulit.

          Nakatingin lang sa ‘kin ang lahat habang ako ay dali-daling lumalapit sa kanya. Maging sila siguro ay hindi maintindihan kung ano ba ang gagawin ko. At dahil nga may pagtataka sa mga isipan nila, sa halip na pagkaguluhan ako nang pumunta ako sa audience area ay naghawian pa sila. Dahilan para siya lang ang maiwan sa lugar na iyon.

          Bigla siyang tumigil sa pagkanta at nagmulat ng mga mata niya. Tumingin pa siya sa paligid at nagulat nang lahat ay nakatingin sa kanya. HInawakan ko ang dibdib ko. Nahihirapan na ko. Hindi ko na kaya. Isa pang beses na mawala siya sa paningin ko… isa pang beses na hindi ko siya makausap, aatakihin na talaga ako sa puso.

          Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at hinigit ko siya papalapit sa ‘kin.

          “The day I have found you,” pagdugtong ko sa kanta niya na tila tugma sa pagkikita namin ngayon. Sa wakas… nakita na rin kita.

                    “I have found you. Please don’t leave. Please,” pagmamakaawa ko sa kanya. “Betty… o Midori, kung sino ka man. ‘Wag ka nang umalis. ‘Wag mo na kong pahirapan. Please.”

          Saglit na katahimikan ang namayani sa aming lahat na nadito sa concert hall. Walang nagsasalita. Walang humihiyaw. Walang nagrereklamo. O talaga lang sigurong hindi ko na napansin ang mga komento ng mga tao sa paligid ko dahil sa pagkakataong ito, siya lang ang nakikita ko.

          Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. Ayaw ko na siyang pakawalan. Gusto kong maging akin na siya. Pero bigla na lang akong nagulat.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now