[CHAPTER TEN] The after effects...

76.5K 832 39
                                    

Chapter Ten

--The after effects almost killed me.--

          “Grabe talaga yung taong yun.”

          Pumasok na si Kuya Avril sa kotse matapos niyang ihatid si Maisen sa bahay nito. Tinandaan kong mabuti yung itsura ng bahay. Mayaman pala talaga si Maisen.

          “Siguro may problema na naman yun. Haaaay…” pinaandar na ni Kuya ang kotse pauwi ng bahay namin.

          “Kuya Avril,”

          “Hmmm?”

          “Di… Di ba s-si… M-Maisen yun? M-Mark Isen de la Fuente? N-ng Kyela Marjorene?” napiping pagtatanong ko dahil hindi ko alam kung tama bang itanong ko kay Kuya Avril.

          “Yeah. Why?” saglit siyang tumingin sa ‘kin na parang may naalala. “Oo nga pala. Fan ka ng Kyela Marjorene. That’s why.”

          Hindi ko naman tinatanong dahil fan ako ng Kyela Marjorene. Tinatanong ko dahil hindi ako makapaniwalang totoo ngang gusto ako ni Maisen… at hinahanap niya ako. “Kaibigan mo… Kaibigan mo siya?”

          “Ah… Oo. Matagal na din. Actually dapat member din ako ng Kyela Marjorene. Kaso lumipat ako ng school, remember? You want to meet the guy?”

          Umiling ako.

          “Sus… Kunwari pang ayaw ng baby ko. Don’t worry. I’ll invite the band to sing on my wedding so you can meet them.”

          “Ah… Kuya Avril… I… I…Ikakasal na ba si Maisen?” medyo pabulong at nahihiyang tanong ko. Nabagabag kasi ako sa sinabi niya. Totoo bang ikakasal na siya? Bakit? Pa’no?

          “Kasal? I don’t know. Since high school naman, playboy na talaga ang pagkakakilala ko kay Maisen. So I wonder… Pero mabuti na rin yun,” napatingin ako bigla kay Kuya nang sabihin niyang mabuti ngang ikasal na si Maisen. “Mabuting ikasal na siya para magtino naman siya. Para magseryoso naman siya sa babae. Saan mo naman nasagap ‘yan?”

          There was something inside me that hurt. Parang bigla akong nanghihina. “Ah… Nabanggit niya kasi kanina… Habang wala ka pa.”

          “Really? So nagkausap pala kayo. Baka naman na-in love na yung isang yun nang tuluyan. Good for him.”

          Napakapit ako sa seatbelt na nakakabit sa ‘kin. Pakiramdam ko ay mababangga ang sinasakyan namin ngayon. Ang lakas ng impact. Ang lakas-lakas.

          “But we don’t know. Lasing siya. Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.”

          Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.

 

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon