[CHAPTER NINE] Faces...

77.5K 925 35
                                    

Chapter Nine

--Faces of the past, faces of you—

 

          “Alam mo ba kung gaano kahirap ang wala ka sa tabi ko habang nagpapagaling ako?”

          Nakatingin lang ako sa kawalan habang sinusubukan kong ibalik ang sarili ko sa katinuan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang taong inaakala kong hindi ko na muling makikita… heto. Nasa harap ko.

          “Maisen, nandito na ako,” hinawakan niya ang kamay ko at nginitian niya ako. “Hindi ka ba masaya?”

          “Sirri,” pagtawag ko sa kanya. “Itigil na natin ‘to.”

          Gulat man pero pinilit niya pa ring ngumiti. Pilit siyang ngumiti na parang maaayos pa ang lahat ng bagay. “Maisen…”

          “Hindi mo ba ko narinig? Sabi ko itigil na natin ‘to! Ah, teka… Mali pala. Itigil mo na ‘to.”

          “Bakit? Bakit ako titigil? ‘Di ba sabi mo sa ‘kin dati mahal mo ko? Sabi mo magbabago ka Maisen. Naniwala ako dun. Alam kong nang mga panahong yun, ako lang ang minahal mo. I know for the first time, you learned how to love, Maisen.”

          I let out a frustrated sigh. “Sirri… Hindi kita minahal. At hindi kita mahal. Kaya itigil mo na ‘to. Wala kang mapapala sa ‘kin.”

          “Inayos ko na ang lahat. My Dad will call your father. Ikakasal tayo Maisen. Ikakasal tayo katulad ng pinangako mo sa ‘kin dati.”

          “Kasal? Nababaliw ka na bang talaga? Akala ko frustrated ka lang kaya tinangka mong magpakamatay. Pero sa ginagawa mo, I think you’ve really gone crazy.”

          “You think I’m crazy? So be it. Hind ka makakawala sa ‘kin Maisen. Sinabi mong ikakasal tayo at ako lang ang –”

          I laughed harshly. “Ano? Sinabi ko yun? At naniwala ka naman? Sirri, hindi lang ikaw ang babaeng sinabihan ko nun. Lahat kayo. Lahat kayong pinaglaruan ko, sinabihan ko nun.”

          Matamang tiningnan ako ni Sirri. Alam kong sa mga panahong ito, galit na galit na siya. Pero hindi niya yun mailalabas. Dahil ako ang nasa harapan niya. “How about when you kissed me? That was my first kiss.”

          “I’m sorry but that wasn't my first kiss. For your infomation, I loved to kiss toys.”

          Ibinagsak niya ang kamay niya sa lamesa at galit na tumayo sa kinauupuan niya. Kasabay noon ay ang pagbaling ng atensyon sa amin ng mga tao sa restaurant na iyon. “Hindi ka na makakawala. Ikakasal tayo. Balang araw, magiging de la Fuente ako.”

          Nang hindi na ako makapagpigil ay tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. “May iba akong mahal, Sirri. Sa kanya lang ako pwedeng ikasal. Siya lang ang pwedeng magmay-ari sa ‘kin. Siya lang.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz