[CHAPTER THREE] Too much fame...

92.5K 1K 39
                                    

Chapter Three

--Too much fame means missing freedom so much.--

 

 

            “Akin nga kasi si Maisen!”

            “Bitiwan mo nga siya! Binili ko siya!”

            “Ang kapal niyong dalawa! Priceless ang Maisen ko! Mga feeler kayo!”

            Nakapamaywang kong pinapanood ang tatlong babae sa harapan ko na nagtatalo-talo kung sino nga ba sa kanila ang girlfriend ko. I have tons of them. At syempre, lahat sila alam na palikero ako. Pero lahat rin sila, naniwalang magbabago na ko at isa na lang ang mamahalin ko.

            Naglakad na kong palayo. Nakakarindi. Kung pagtatalunan din lang naman nila ako at kung gusto nilang isa lang ang piliin ko sa kanila, mabuti pang i-break ko na sila lahat.

            “Teka, Maisen! Sa’n ka pupunta?” Sinundan nila akong tatlo.

            “Break na tayo,” sigaw ko sa kanilang hindi sila nililingon. Kung bakit naman kasi…

            “Hindi pwede!” nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Jarisse mula sa likuran ko. “Akin ka lang!”

            “Hindi! Akin siya!” niyakap rin ako ni Larraine.

            “Bitiwan niyo nga siya!” inalis ni Denice ang mga kamay na nakapulupot sa ‘kin at saka ako niyakap.

            “Hey! Why are you embracing my Maisen?” I heaved out a sigh. Of all the people, why is it another girlfriend of mine who came?

            Hinigit ng bagong dating na si Marissa ang buhok ni Denice. Syempre, hindi papatalo si Denice kaya’t hinigit din niya ang buhok nito. Hanggang sa tuluyan na silang magsabunutan. Nagkakagulo na ang mga babae doon at nakita ko iyong pagkakataon para makatakas. Lagot na!

            Tumakbo ako nang mabilis.

            “Maisen!” maya-maya pa ay may dalawang panibagong babae na ang humahabol sa ‘kin. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Ito naman palagi ang ginagawa ko kapag dumarating na iyong ganitong pagkakataon.

            “Ahhhhhhh!” napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ako nang isang malakas na sigawan mula doon. At lalo akong napakaripas ng takbo nang makita ko kung ano iyon.

            “MAISEN DE LA FUENTE, HERE WE COME!”

            “Sh*t!” lumiko ako sa kanan ko para medyo ilagaw sila ng daraanan. Nagsimula ako sa tatlong babae, na naging apat, nawala silahat at nagkaroon ng dalawa. At ang nangyayari ngayon ang hindi ko maipaliwanag. Sa unang pagkaktaon nangyari ito sa ‘kin.

            ‘Literal’ akong hinahabol ng sangkatutak na kababaihan.

            Lalo ko pang binilisan ang takbo ko. Hindi ko na inintindi kung sino-sino bang mga babae iyong humahabol sa akin. Kung lahat ba sila ay girlfriends ko o hindi. Takbo lang ako nang takbo.

            Habang tumatagal ay napapagod na ko. Kaya naman nang mapadaan ako sa isang shop ng kaibigan ko ay agad akong pumasok doon.

            “O, Maisen, hapong-hapo ka yata ah. Sarado nga pala ang shop. May bibilhin ka ba?”

            Umupo ako sa couch sa gilid ng shop na iyon at isinandal ang katawan ko sa malawak na sofa. Simula nang manalo kami ng banda ko sa Asian Jam na ginanap sa Palawan, lalo ako at ang mga kabanda kong nawalan ng kalayaang enjoy-in ang mundo. Naging napakakontrobersyal kasi ng pagkapanalo namin at dahil doon, napunta sa amin ang simpatiya ng tao. Oo nga, sikat naman na talaga kami dahil palaging nananalo ang banda namin sa mga band slams. At isa pa, kami ng mga kabanda ko ay nagmula sa elite na pamilya. Pero iba kasi ngayon. Ibang-iba kesa noon.

            “Blanche, cover me something… something that… they won’t be able identify me,” hapong-hapong sabi ko sa kaibigan kong si Blanche na isang fashion designer.

            She smiled at me as she puts her measure tape at the table. “Sure. Are you going on a date?”

            “No. I want freedom even just for today.”

            “Sure. No prob.”

            Matapos noon ay dinamitan na ako ni Blanche ng hoodie. Nilagyan niya rin ako ng contact lenses kahit may sunglasses naman ako para raw in case na matanggal ang salamin ko ay hindi mahahalatang ako iyon. Marami pa siyang ginawa sa mukha ka pati sa hair style ko na talaga ngang nakakapanibago sa itsura ko though kapag tinitigan mo ko, alam mo pa ring si Maisen ako.

            Well, I can’t cover up such handsome face.

            Naglakad-lakad ako habang nag-iisip. Sinubukan kong pumunta sa isang theme park pero sa entrance gate pa lang ay pinagtitinginan na ako. Tila sinusuri ako ng mga tao. Iniisip siguro nila kung ako nga ba si Maisen de la Fuente o hindi. At dahil doon, hindi na ko tumuloy pa sa theme park na iyon.

            Paano ko naman ma-e-enjoy ang mundo kung ganito rin pala ang mangyayari sa ‘kin?

            Hanggang sa namataan ng mga mata ko ang isang lugar… Noong una, ayoko pang pumunta doon dahil sabi nila, isa daw iyong lovers’ park at kapag pumasok ka doon, may kanya-kanyang mundo raw ang mga tao. Sabi rin ng mga kakilala ko, cheap daw ang parkeng iyon. Naglipana ang PDA. Well, that was a lovers’ park so what should I expect?

           

            Bahala na. Ang mahalaga naman walang pakialam sa ‘kin ang mga tao dito. Hindi naman mukhang pangit yung lugar dahil mukha namang convenient.

            Bahala na kung ano mang mangyari sa ‘kin dito. Pero sana lang…

            MAGING MASAYA AKO NGAYONG ARAW NA ‘TO.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now