[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...

61.7K 688 39
                                    

Chapter Twenty-Two

--You’re still the most beautiful girl in the world to me.--

          Wala akong silbi.

          Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang madilim at tahimik na kwarto. Nararamdaman kong nakagagalaw ako, humihinga. Pero hindi ko maramdamang nabubuhay ako. Kahit ano pang gawin kong pagkilos ng katawan ko, nababalewala lahat iyon. Namamanhid rin ang pakiramdam ko. Hanggang sa umabot sa puntong, parang pati paggalaw, ayoko na ring gawin.

          Malinaw sa isip ko ang mga mukha nila. Malinaw pa sa pandinig ko ang mga boses nila. Pero hanggang kelan? Hanggang saan? Ano naman ang sunod na mawawala sa ‘kin?

          Naalala ko ang pamilya ko. Naalala ko ang mga kaibigan ko. Naalala ko siya.

          Paano ako magmamahal gayong wala akong nakikita, naririnig? Paano ko maipaparamdam ang pagmamahal ko sa mga taong ito gayong pakiramdam ko, wala na akong silbi?

          Wala akong ideya sa mga nangyayari sa paligid ko. Nararamdaman ko na lang na may humila sa ‘kin at binuhat ako. Matapos iyon ay iniupo ako. Huminga ako nang malalim at nilanghap ang paligid ko. Nasa sasakyan ako. Siguro ay sa ospital ako dadalhin. Kinapa ko ang paligid ko at naramdaman ko ang nakasaradong pinto.

          Napapikit ako. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko. Pero kahit anong gawin kong pagsasalita, wala akong marinig. Ni hindi nga ako sigurado kung may lumalabas nga ba talagang boses sa akin.

          Hanggang sa naramdaman ko ang pagbubukas ng pinto sa tabi ko. At nanggilid ang mga luha ko nang malaman ko kung sino iyon…

          Maisen’s scent…

 

          Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa mga palad ko at doon nag-iiyak. Isangiyaknapakiramdamko ay walang nakaririnig… walang nakakakita. Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Hindi ko alam kung karapat-dapat pa ba ako kay Maisen. Ang sakit-sakit… Ayokong maniwalasa biro nina Jane na maaaring nakahanap na nga si Maisen ng bago. May tiwala ako sa kanya. Mahal ko siya. Pero sa ganitong kalagayan ko… alam kong kahit anong oras… maaaring iwanan at ipagpalit na ako ng mga tao sa paligid ko.

          At ang nakakalungkot pa kung mangyari man iyon… hindi ko alam na iniwan na nga nila ako.

          Dahil hindi ko na sila nakikita, hindi ko na sila naririnig.

          Natanong ko nga sa sarili ko, sapat na nga ba ang nararamdaman ng isang tao? Nakakatawa. Dahil ang lumalabas sa isip ko, ang nagdidikta sa nararamdaman ng tao ay kung anong nakikita nila o naririnig sa iba.

          Pero may kung anong nagwawala dito sa puso ko. Kaya naman pinahi ko ang mga luha ko. Dahil sa huli… ang nasusunod pa rin ay kung anong idinidikta ng puso. Na kahit diktahan ng mata o tenga, o maging ng utak, walang makakatalo sa mismong nararamdaman ng puso.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now